Sa nakaraang paksa natutunan mo ang katangian ng populasyon at kahalagahan ng yamang tao sa Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon. Alam mo bang walang magaganap na kabihasnan kung wala ang yamang tao? Dahil ang populasyon o dami ng tao sa isang lugar ay may impluwensiya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano. Napakalaki ng kaugnayan nito sa ating paksang tatalakayin sa modyul na ito, ang paksang Konsepto at Katangian ng Kabihasnan sa Asya. Bago mo simulan at pag-aralan ito, balikan mo muna ang iyong natutunan sa nakaraang modyul.
PILIIN ANG IYONG SAGOT na nasa callout. Ilarawan o iguhit ang simbolo lamang na makikita sa ibaba ng mga salita ng napiling kasagutan bago ang pangungusap o pahayag.
1. Sukat ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa.
2. Tawag sa pagsukat ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
3. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar.
4. Pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
5. Bansa na may pinakamataas na bilang ng populasyon sa buong Asya.
Answers & Comments
Answer:
1. growth rate
2. literacy rate
3. populasyon
4. migrasyon
china
Explanation:
sana po makatulong