Answer:
Mahahalagang pangyayari sa Death March
Isang araw pagkatapos bumagsak ang Bataan sa mga Hapones, ay tinipon ang may
70,000 sundalong Pilipino at Amerikano sa Mariveles Airfield sa Bataan. Pinuwersa ng mga
Hapones na pagmartsahin ang kanilang mga bihag mula sa Mariveles, Bataan hanggang San
Fernando, Pampanga. Mula rito ay sinakay sila sa tren at dinala sa Camp O’Donnel sa Capas,
Tarlac.
Pinalakad sila ng walang inumin at pagkain. Dumanas ng gutom, uhaw, pagod at sakit ang
mga bihag na mga sundalo sa pagmamartsa patungong San Fernando. Ang ilan ay napilitang
uminom ng tubig mula sa mga kanal na kanilang nadadaanan. Pinagmartsa sila sa kainitan ng
araw at ang sinumang kukupad-kupad ay tinortyur hanggang mamatay. Binabayoneta ang mga
sundalong hindi na makalakad at hinahayaang mamatay sa daan. Marami sa kanila ang tumakas.
Ang mga nahuling tumakas ay pinagbabaril. Ipinagbabawal ding tumulong ang mga sibilyan sa
mga sundalong kabilang sa martsa. Lahat ng mga nakaligtas ay isinakay sa tren patungong
Capas, Tarlac subalit marami sa mga sundalong bihag ang nangamatay dahil sa kawalan ng
hangin sa kanilang sinasakyan.
Ang mahalagang pangyayaring ito sa kasaysayan ay kinilala bilang Death March o Martsa
ng Kamatayan
Explanation:
Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.
Answers & Comments