Sa kasalukuyang panahon at sitwasyon ng bansa, kung ikaw ang
magbibigay-mungkahi upang mapagkaisa ang mga Pilipino at maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala ng mga Kristiyano at
Muslim, ano ang iyong sasabihin sa kanila? Pangatwiranan
ang iyong sagot
Answers & Comments
Answer:
Kung ako'y magbibigay-mungkahi para sa lahat ng mga Pilipino sa kabila ng ating mga pagkakaiba, gusto kong alalahanin ng bawat isa na marahil may iba't iba man tayong paniniwala, ngunit ang pinakamahalaga ay tayo na nagkakaisa. Tanggapin ang iba't ibang paniniwala, respetuhin ang isa't isa at huwag hayaang magkawatak-watak ng dahil lang iba't iba nating pinaniniwalaan.