Sa loob ng mahabang panahon ng kaniyang panunungkulan, maraming pinairal na mga programang pampubliko si Pericles. Lahat ay naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang Athens.
Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya sa Athens kung kaya’t dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan niya ang mga ito. Lahat ng mamamayan ay nagkaroon pagkakataong makapagtrabaho sa pamahalaan mayaman man o mahirap. Kaya di nagtagal mga ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi na ng mga gawain ng pamahalaan
Ngunit hindi lahat ay nasiyahan sa mga repormang ipinatupad ni Pericles. Para sa mayayaman ang ginawa niyang mga pagbabago ay magdudulot ng pagkalugi sa pamahalaan at maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan. Ipinagtanggol niya ang kanyang mga ginawang pagbabago sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang pahayag na naitala naman ni Thucydides, na isang historyador. Ayon kay Pericles “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral sa mga pribadong paaralan kung saan sila ay natuto ng pagbasa, matematika, musika at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Hinikayat din silang talakayin ang sining, politika at iba pang usapin. Ang palakasan ay bahagi rin ng kanilang pag-aaral.
Sa edad na 18 taong gulang, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa pamahalaan nito.
Samantala, ang mga kababaihan ay itinuring na mas mababa sa mga kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi sa pamahalaan.
Hindi rin sila maaaring magmay-ari. Ang kanilang buhay ay umiikot sa mga gawaing bahay at pag-aalaga ng mga anak. Sa edad na 14-16 sila ay ipinakakasal sa mga lalaking napili ng kanilang mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga ani ay kanilang kinakain. Ang mga sobrang produkto ay ipinapalit nila ng iba pang kagamitang pambahay.
Bagamat marangya at magarbo ang ang mga gusaling pampubliko, ang mga tahanan naman ay simple lamang, maging ito ay pag-aari ng mayayaman o karaniwang tao.
Sa kabuuan, simple lamang ang naging pamumuhay sa sinaunang Greece. Ngunit mula sa simpleng pamumuhay na ito ay lumitaw ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo na tinitingala sa sandaigdigan hanggang sa ating makabagong panahon.
Ang may-akda ng mga natatanging pilosopong Greek sa larangan ng politika ay kinilala sa mundo tulad ng The Republic ni Plato at Politics ni Aristotle.
Maging sa larangan ng arkitektura ay nakilala ang mga Greek. Kahangahanga ang arkitektura ng mga templo. Ang ilan dito ay matatagpuan sa Athens, Thebes, Corinth, at iba pang siyudad. Ang tatlong natatanging estilo na Doric, Ionian, at Corinthian ay naperpekto nila nang husto.
Ang pinakamagandang halimbawa ay ang Parthenon, isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens. Ito ay itinayo nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng karunungan at patrona ng Athens.
Ilan sa mga labi ng iskulturang Greek ay matatagpuan din sa mga templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Greek na iskultor ay si Phidias. Ang estatwa ni Athena sa Parthenon at ni Zeus sa Olympia ay ilan lamang sa mga obra maestra niya.
Ilan pang mga natatanging iskultura ay ang Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World.
Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Sparta ay nakatulong upang maging obra maestro niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang “Ama ng Kasaysayan.” Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek mula sa Babylonia hanggang Black Sea at Memorabilia na kalipunan ng mga kuwento ng guro niyang si Socrates.
Nagkaroon din ng kaalaman sa makabagong medisina sa sinaunang Greece. Ang pinakadakilang Greek na manggagamot ay si Hippocrates na kinilala bilang Ama ng Medisina. Itinaas niya ang larangan ng medisina bilang agham at hindi bunga ng mahika.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Sana po makatulong(◍•ᴗ•◍)
Answer:
leader ng Athens
Explanation:
yan po Ang answer ko hope it's help