Noong Agosto 1914 nang sumiklab ang UnangDigmaangPandaigdig.Dahil sa pag-aalyansa ng mga bansang Europeo at ang pag-uunahan sa teritoryo upang maisakatuparan ang kani-kanilang interes. Ang alyansa ng Germany,Austria at Hungary ay tinawag na Central Powers, samantalang ang mga Allies naman ay binubuo ng France, England at Russia.Isang mahalagang pangyayari at dahilan din sa pagsiklab ng nasabing digmaan ang pagkamatay ni Archduke Francis Ferdinand ng Austria. Nakasentro man sa Europa ang digmaan, nakaapekto rin ito sa Asya.Tulad sa India na ang nasyonalismo at pangkalayaang kilusan ay nagkaisa at tumulong sa panig ng mga Allies. Sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Indian sa labanan sa ilalim ng mga opisyal na Ingles. Kaalinsabay nito ay pagkakaisa rin ng mga kilusang Muslim at Hindu na pansamantalang isinantabi ang di- pagkakasundo dahil kapwa silang naghangad na mabigyan ng karapatang mamahala sa sarili. Pinangunahan ni Gandhi ang kilusan sa pamamagitan ng pamamaraang payapa ayon sa satyagraha (non- violence).
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Pa brainly answer po