Ang Sinaunang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa Europa na umiral sa Italyanong Peninsula. Ang maliit na agrikultural na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.
Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay naging kaharian, isang oligarkiyang republika at naging malakas na imperyo.
Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE).
Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Egeo, ang baybayin ng Anatolia (kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin ng Kolkis, Illyria, Thrace, Ehipto, Cyrenaica, timog Gaul, silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang Iberiko, Iberia at Taurica.
Answers & Comments
Answer: