REALLY NEED IT GUYZ!!
1. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya?
A. Tinutulan nila ang sapilitang pagtatrabaho ng mga Espanyol.
B. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno.
C. Inalis ni Gobernador-Heneral Guido de Lavezares ang karapatang
ipinagkaloob ni Legazpi sa mga katutubo.
D. Ipinadala ang mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang
magtrabaho sa pagawaan ng barko.
2. Nag-alsa si Francisco Dagohoy sa mga Espanyol sa kadahilanang hindi binigyan
ng kristiyanong libing ang kanyang _____________ na namatay sa duwelo.
A. anak
B. kapatid
C. magulang
D. kamag-anak
3. Tinalikuran nina Tamblot at Bancao ang Kristiyanismo at nais nila bumalik sa dati
nilang paniniwala. Anong uri ng pag-aalsa ang kanilang isinagawa?
A. Pang-aabuso
B. Pangpersonal
C. Panrelihiyon
D. Pampolitika
4. Siya ang matapang na namuno sa pakikipaglaban ng mga Waray. Tinutulan nila
ang pagpapadala ng mga kalalakihan sa Samar at karatig lalawigan patungo sa
pagawaan ng barko sa Cavite. Sino ang inilalarawan sa pahayag?
A. Bancao
B. Juan Agustin Sumuroy
C. Francisco Maniago
D. Francisco Dagohoy
5. Bumuo ng isang lihim na samahan upang ipaglaban at makamit ang kalayaan ng
mga katutubong Pilipino.
. A. Bancao B. Lakandula C. Magat Salamat D. Sulayman
6. Si Francisco Dagohoy ang may pinakamahabang pakikipaglaban sa kasaysayan
ng ating bansa mula noong taong 1744 hanggang 1829. Ilang taon siya nagrebelde
sa mga Espanyol?
A. 65 na taon
B. 75 na taon
C. 85 na taon
D. 95 na taon
7. Si Pedro Ladia ay isang Moro na taga-Borneo na naniniwalang mula sa lahi ni
Lakandula. Siya ang nanguna sa pakikipaglaban sa mga Espanyol noong 1643 sa
Malolos, Bulacan. Ano ang sanhi ng kanyang pakikipaglaban?
A. Tinapon ang kanyang ari-arian ng mga Espanyol
B. Hinagis ang kanyang ari-arian ng mga Espanyol
C. Kinumpiska ang kanyang ari-arian ng mga Espanyol
D. Binigay ang kanyang ari-arian sa mga katutubong Pilipino ng mga Espanyol
8. Sino ang babaylan na nagtayo ng sariling relihiyon sa Isla ng Panay na kailanman ay hindi
pinayagan ng mga Espanyol?
A. Bancao
B. Tamblot
C. Tapar
D. Itneg
9. Naging mapagsamantala at mapang-abuso ang mga Espanyol sa mga Pilipino. Ano
ang ginawa ng mga Pilipino kaugnay nito?
A. Nag-aklas sila at ayaw kumilala ng pinuno ng mga Espanyol
B. Nainis ang mga Pilipino sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol
C. Nagpakita ng kasipagan ang mga Pilipino upang hindi maparusahan ng mga Espanyol
D. Naging maayos ang pakikitungo ng mga Pilipino sa pinuno ng mga Espanyol
10. Ano ang isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga
Espanyol?
A. Pagyakap sa relihiyong Kristiyanismo.
B. Mabuting pakikitungo ng mga Espanyol sa mga katutubo.
C. Pagbibigay ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol.
D. Di-makatarungang paniningil ng buwis sa mga katutubong Pilipino

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.