Question No.2



TIMOG ASYA
Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya. Palay ang mahalagang produkto dito bagamat may mga pataniman din ng trigo, jute, tubo at mga gulay. Pinakamahalagang likas na yaman sa India ang lupa lalo't higit ang mga kapatagan at lambak na pinagyayaman ng mga ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra. Malaki rin ang reserba ng bakal at karbon sa bansang ito. Bagamat ipinagbabawal ng pamahalaan, tanyag ang Afghanistan sa pagtatanim ng Opyo. Ang mga kagubatan sa Nepal ay matatagpuan sa mga gulod ng bulubunduking Himalayas. Sa mga baybaying dagat ng Pakistan ay matatagpuan ang gubat bakawan. Makapal at mayabong ang gubat sa Timog-Kanlurang Sri- Lanka na hitik sa puno ng mahogany at iba't ibang uri ng palm. Sa dakong gitna ng pulong ito lalo na sa matataas na lugar ay makikita ang mga kagubatang evergreen samantalang sa hilaga at silangang bahagi nito ay naroon ang mga punong ebony at satinwood. Malaki ang kapakinabangan ng Indian Ocean sa rehiyon dahil sa pagtustos nito ng ibat ibang yamang dagat. Sa ibang bahagi ng rehiyon tulad ng Afghanistan at Bangladesh ay may paghahayupan. Batong apog, bakal, karbon, natural gas, langis, tanso, asin at gypsum ay ilan sa mga pangunahing yamang mineral ng Timog Asya

Ano ang mga:
Likas na Yamang
Lupa?
Gubat?
Mineral?
Tubig​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.