Questions


September 2022 1 4 Report
Quarter 4, Week 2 Summative Test
Araling Panlipunan 8
Pangalan:__________________________________________ Pangkat:____________ Petsa:_____________
Panuto: Basahin at unawain ang tanong o pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1.Dala ng ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo nagkaroon ng panibagang digmaan. Kailan sumiklab ang Ikalawang digmaang pandaigdig?
A.1939 B. 1940 C.1941 D.1942
2. Ito ang unang dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kung saan inagaw ng Japan ang lunsod ng Manchuria noong 1931.
A. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria C. Pagsasanib ng Austria at Germany
B. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa D. Paglusob sa Czechoslovakia
3. Noong 1936, ang Rome-Berlin Axis ang kinalabasan ng kasunduan sa pagitan ng Italy at Germany.
A. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria C. Pagsasanib ng Austria at Germany
B. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa D. Paglusob sa Czechoslovakia
4. Huling pangyayari na nagpasiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria C. Pagsasanib ng Austria at Germany
B. Paglusob ng Germany sa Poland D. Paglusob sa Czechoslovakia
5.Ang _________ay isang doktrinang military na sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na
walang babala)
A.Lightning War B. Sitting War C. Lighting Storm D. Pony War
6. Mga bansang nagsanib-sanib upang labanan ang Axis Powers. Kabilang ditto ang United States, Great Britain, at Soviet Union
A. United Nations B. Allied Powers C.League of Nation D.Nuclear Powers
7.Ang sumusunod ay ang mga bansa na kabilang sa puwersang Axis maliban sa isa.
A.Germany B.France C.Italy D.Japan
8. Sino si Adolf Hitler noong nagana pang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A.Pinuno ng Us B.Pinuno ng Japan C.Pinuno ng Germany D.Pinuno ng Italy
9.Ito ang dahilan kung bakit lumahok ang U.S sa digmaan?
A.Pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor C. Pagbomba ng Japan sa Germany
B.Pagsakop ng Japan sa Pilipinas D.Pagbomba ng Japan sa Italy
10. Ito ay isang ideolohiyang ipinalaganap ni Benito Mussolini na tumututol sa anumang uri ng oposisyon sa pamahaalan.
A. Komunismo B.Militarismo C. Fascism D.Nazism
11.Sa pagsuko ng Aleman sa Rheims at Berlin mula sa tagumpay ng alyadong bansa sa Europe sumapit ang tinatawag na?
A.Atlantic Charter B.Day of Infamy C. A Day that Change Amerika D. Victory in Europe
12.Anong bansa ang unang pinasuko ng puwersang Allies noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A.Japan B.Italy C.Germany D.United States
13. Kilala bilang isang magiting na sundalo at heneral noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A.Heneral Montgometry C.Manuel L. Quezon
B.Heneral Dwight Eisenhower D.Heneral Douglas MacArthur
14.Anong klase ng bomba ang ginamit ng U.S. para mapasuko ang Japan?
A. Nuclear Bomb B. Atomic Bomb C.U.S Bomb D.Bomb
15.Kailan nagpakamatay si Afolf Hitler pagkatapos ang pagkatalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A.Abril 30,1945 B.Octubre 25,1942 C. Mayo 10,1941 D.Octubre 30, 1940
16.Tinatayang ilang bansa ang naapektuhan ng digmaan na kung saan marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.
A.60 B.70 C.80 D.90
17. Ito ang organisasyon na nabuo pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A.League of Nation B.Treaty of Versailles C.United Nations D.United States
18. Ang mga sumusunod ay ang mga tuon ng United Nations, maliban sa;
A.Pangangalaga sa kapaligiran
B.Pagpapalaganap ng demokrasya
C.Pagtataguyod ng pag-unlad na panlipunan at karapatang pantao
D. Pag-alis ng karapatan sa bawat mamamayan na magkaroon ng boses sa pamahalaan
19.  Kailan itinatag ang Nagkakaisang bansa o United Nations?
A.Oktubre 24, 1945 B.Oktubre 22, 1939 C.Pebrero 14, 1939 D.Hulyo 23, 1945
20.Isa sa sangay ng United Nations na namamahala sa aspekto ng pangkabuhayan, panlipunan, pang edukasyon, siyentipiko, at pangkalusugan ng daigdig.
A.Pandaigdig na hukuman ng katarungan C.Sangguniang pangkatiwasayan
B.Ang kalihim D.Sangguniang pangkabuhayan at panlipunan​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.