Questions


August 2022 1 1 Report
Quarter 1, Week 1 Summative Test Araling Panlipunan 8 Pangalan:______________________________________________Pangkat:__________________Petsa:_____________ Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan o pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ito ang siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. a. pisikal b. politikal c. pantao d. heograpiya 2. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa estruktura ng daigdig? a. core, mantle at crust c. core, crust at volcano b. crust, mantle at ocean d. mantle, core at river 3. May iba’t-ibang teorya sa pagkakaroon ng mga kontinente sa daigdig, alin ang teoryang isinulong ni Alfred Wegener? a. Bigbang theory c. Continental drift b. Nebular Theory d. Solar disruption 4. Ano ang pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig? a. Pangaea b.Kontinente c. Laurasia d. Panthalassa 5. Tinatawag itong super continent. a. Pangaea b.Kontinente c. Laurasia d. Panthalassa 6. Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. a. Heograpiyang Politikal c. Heograpiyang Pantao b. Heograpiyang Pisikal d. Heograpiya 7. Itinuturing ito bilang kaluluwa ng isang kultura. a. Wika b.Lahi c. Relihiyon d. Pangkat-etniko 8. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng Relihiyon? a. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa mga Diyos at Diyosa. b. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. c. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa mga anito. d. kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng mga taong tungkol sa mga reincarnation. 9. Bakit nagiging batayan ang relihiyon ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-arawaraw na pamumuhay? a. Dahil sa mga awit at sayaw na nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon b. Dahil sa mga pista sa nayon nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon c. Dahil sa mga kwentong bayan na nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon d. Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon. 10. Alin sa mga sumusunod na pamilya ng wika nabibilang ang Pilipinas? a. Afro-Asiatic b.Indo-European c. Austronesian d. Sino-Tibetan 11. Nagmula ang relihiyon sa salitang ito na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” a. Religio b. Regio c. Religare d. Rigeo 12. Ano ang pinakamalaki o pinakamalawak na relihiyon sa buong mundo? a. Islam b.Kristiyanismo c. Budismo d. Hinduismo 13. Tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. a. Wika b.Lahi c. relihiyon d. pangkat-etniko 14. Ito ang salitang Greek ng “etniko” na nangangahulugang “mamamayan.”. a. Ethnos b.Eteeq c. Etiam d. Etilo 15. Bakit sinasabing maliwanag ang sariling pagkakakilanlan ng mga pangkat-etniko? a. Dahil pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, tradisyon, wika, at relihiyon. b. Dahil pinag-uugnay ng magkakatulad na paniniwala, pinagmulan, wika, at tradisyon. c. Dahil pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pananampalataya, tradisyon, at wika. d. Dahil pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon.​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.