Matindi ang epekto ng greenhouse effect hindi lang sa planetang Lupa kundi sa lahat ng nakatirang nilalang dito sa lupa. Dahil sa greenhouse effect, ang init ng araw na pumapasok sa lupa na dapat sana ay bumabalik nang maayos sa kalawakan ay nakukulong. Kaya ang init ay naiipon, at walang ibang pupuntahan kundi sa lupa lang at sa lahat ng teritoryo nito.
Bakit ba nakukulong ang init at hindi ito agad nakakabalik sa kalawakan? Ang dahilan ay dahil sa napakaraming ibinubugang carbon dioxide, nitrous oxide at methane ng mga sasakyan, mga factory, at iba pang imbensyon ng tao na gumagamit ng mga carbon at mga produktong tulad nito. Taon-taon ay dumadami ang mga sasakyan, mga factory at ibat-ibang uri ng imbensyon pero kumukunti naman ang mga puno na siyang kumakain ng carbon dioxide. Ang masaklap pa nito, naiipon ang mga gas na ito sa ating atmospera, at nadadagdagan pa imbes na mabawasan.
At dahil dito, ang globo ay umiinit sa bawat lumilipas na taon. Magkakaroon ng ibat-ibang uri ng sakit ang mga tao at hayop. Matindi ang temperatura sa ibat-ibang panig ng mundo. Malulusaw ang mga yelong nakaimbak sa North at South Pole. At 'pag nangyari ito, maraming lungsod ang mabubura sa mapa dahil matatakpan ito ng tubig. Kung wala sana ang mga gas na ito sa ating atmospera, sisingaw pabalik sa kalawakan ang init, at ang katamtamang temperatura ng Lupa ay magiging mga 33 degree Celsius na mas malamig.
Answers & Comments
Answer:

Narito ang paglalarawan ng greenhouse effect: