Questions


October 2022 1 6 Report
pliss help me namn poInaasahang sa araling ito ay mapapaunlad mo ang iyong kasanayan sa paggamit ng mga pangatnig at pang-angkop sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon at pagsulat ng talata.

Sa mga nakalipas na taon ay napag-aralan mo na ang pang-angkop at pangatnig.
Ano ba ang pangatnig?
Ano ba ang pang-angkop?
May pagkakaiba ba sa pangatnig at pang-angkop?
Upang lubos mong maunawaan at mapalawak ang iyong kaalaman sa aralin, basahin mo at unawain ang nasa ibaba.

Ang pangatnig ay mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita at parirala. Nakatutulong ang mga pangatnig na ito sa pagbubuo ng diwa sa buong pangungusap.

Ginagamit ang mga pangatnig na o, ni, maging bilang pamukod.
Pinagbubukod ng mga ito ang mga kaisipang pinag-uugnay.
Halimbawa: Ayaw kitang madapa ni makagat ng lamok noong maliit ka pa.

Ginagamit naman ang at, saka, pati kapag may idaragdag na salita , panimula, o sugnay.
Halimbawa: Ang mga lumang bote at papel ay maaari pang mapakinabangan.

Kapag sinalungat ang ikalawang kaisipang unang ipinahayag na kaisipan, pangatnig na ngunit, subalit, datapwa’t, at iba pa ang ginagamit.
Halimbawa: Dumating ako sa tagpuan natin ngunit wala ka na.

Narito pa ang ilang halimbawa ng pangatnig: sa, bagkus, sakali, kaya,kapag, samantala, anupa’t , datapwat, at iba pa.

Ang pang-angkop naman ay mga katagang ng, na at g. Inuugnay nito ang dalawang magkaibang salita upang makabuo ng parirala

Narito ang gamit ng mga nasabing pang-angkop: ng - ginagamit kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa mga patinig at idinurugtong ito sa nasabing unang salita.
Halimbawa: trahedyang masaklap na - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa katinigna n, Inihihiwalay ito sa unang salita. Halimbawa: masaklap na trahedya

g - ginagamit ito kapag ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n at idinurugtong ito sa unang salita. Halimbawa: bayang kawawa

_

Dahil sa lubos mo nang naunawaan ang paggamit ng pang-angkop at pangatnig. Subukan mo nang sagutan ang mga gawain sa ibaba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa panaklong ang angkop na pangatnig o pang-angkop upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Mahalagang pagtuunan ng ibayong pansin ang agham at teknolohiya (dahil, upang ngunit) ____umunlad ang ating bansa.
2. Dahil sa pag-unlad ng transportasyon at industriya (kaya, ngunit, saka) ___________may problema sa polusyon.
3. Ang agham (at, o, na) _________teknolohiya ay pag-aaral tungkol sa isang tiyak na mapaglikhang karunungan ng tao.
4. Umalis pantungo (na, g, ng) ____________probinsiya ang mag-anak.
5. Ipinangako niya sa sarili (g, ng, na) ________lalo siyang magsisipag sa pag- aaral.

Sagutin: Paano ginamit ang mga pang-angkop at pangatnig sa bawat pangungusap?



Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at suriin ang talata sa ibaba. Bilugan ang mga pang-angkop at pangatnig na ginamit dito. Pagkatapos ay gamitin ang mga ito sa pagbuo ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Napakayaman ng Lungsod ng Cavite sa kagandahang naipagkaloob ng kalikasan, tulad ng magandang tanawin, malalago at masaganang pananim Dahil dito, maraming turista ang mga dumarayo. Lalo na ang mga Pilipinong naninirahan sa ibang dako ng bansa upang maipakita ang suporta bilang pagtangkilik sa sariling atin.
1. _____________________________________
2. _____________________________________
3. _____________________________________
4. _____________________________________
5. _____________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.