Questions


September 2022 1 6 Report
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel
1. Punong mahistrado ng Korte Suprema na piniling maiwan sa bansa sa kabila ng
pagsusumamo ni Pangulong Quezon na sumama sa kanya sa Estados Unidos. Sino siya?
A. Jose Abad Santos
C. Jose P. Laurel
B. Jose Calugas
D. Jose P. Rizal
2. Bago ang digmaan, naitatag niya ang Girl Scouts of the Philippines at nakilala siya sa
kanyang pagkakawang-gawa.
A. Aurora Quezon
C. Josefa Llanes Escoda
B. Felipa Culala
D. Valeriana "Yay" Panlilio
3. Siya ay hinirang ng mga Hapones bilang pangulo ng ikalawang Republika at nakilala sa
kanyang kautusang ipagbawal at isali ang mga Pilipino sa Hukbong Imperyal ng Hapon.
A. Jose Abad Santos
C. Jose P. Laurel
B. Jose Calugas
D. Jose P. Rizal
4. Magiting na Pilipinong heneral na tahasang tumanggi sa alok ng mga Hapones na
maging punong kumander ng Philippine Constabulary. Sino siya?
A. Jose Calugas
C. Macario Peralta
B. Luis Taruc
D. Vicente Lim
5. Bago barilin ng mga Hapones si Jose Abad Santos, sinabi niya sa kanyang anak na isang
pambihirang pagkakataon para sa isang tao ang mamatay para sa kanyang bayan. Sino
ang kanyang anak
A. Antonio
B. Irineo C. Pepito D. Vicente
6. Binaril si Jose Abad Santos ng mga Hapones dahil sa kanyang natatanging katapangan
na ipinamalas. Ano ang kanyang ginawang kabayanihan na naging mitsa ng kanyang
pagkamatay
A. pumatay siya ng isang Hapon
B. nagpuslit ng mga baril at pampasabog
C. tumangging makipagtulungan sa mga Hapones
D. nagtangkang lumusob sa garison ng mga Hapones
7. Sa kabila ng pagkakakulong ni Josefa Llanes Escoda sa Fort Santiago, hindi pa rin siya
tumigil sa pagtulong at paggawa ng kabutihan sa mga Pilipino at sa iba pang
nakakulong. Alin ang kanyang ginawa?
A. Nakipagtulungan sa mga Hapones
B. Nagbigay ng pagkain sa mga gerilya
C. Gumamot ng mga sugatang Makapili
D. Ipinamahagi ang kanyang pagkain at damit sa mga nakakulong​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.