Napag-alaman natin sa nakaraang aralin na malaki ang ginagampanan ng mga
likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang lahat ng ating nasa paligid – ang
mga kabundukan, dagat, hayop, halaman, at mineral ay mga likas na yaman na
siyang puhunang nililinang ng tao upang matugunan ang kaniyang mga
pangangailangan. Noon pa man at magpahanggang ngayon, ang uri ng pamumuhay at
gawain ng tao ay nakaangkop sa kaniyang kapaligiran. Ang ugnayan ng tao at
kapaligiran ay isang natural na prosesong ipinagkaloob ng kalikasan upang ang lahat
ay mabuhay.

Napatunayan din natin kung gaano kasagana sa yamang likas ang
kontinenteng Asya. Subukin ang iyong kaalaman sa nakaraang paksa, tukuyin kung
anong uri yamang likas ang nasa ibaba at magbigay ng bansa o mga bansa kung saan
ito makikita.
Yamang Likas
Uri ng Yamang Likas
Bansa kung saan Matatagpuan
Halimbawa:
Sturgeon Fish

Yamang tubig
Armenia
1. ginto
2. palay
3. langis/petrolyo
4. uling
5. kamel
Ano po ang uri ng yamang likas?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.