PERFORMANCE TASK (10 POINTS) Se panahon ngayon ng pandemya (COVID-19). lahat tayo ay nananalangin na sana ay matapos na ito at babalik na tayo sa normal na pamumuhay natin. Bilang isang Kristiyano, sa engtaista 5 hanggang 10 pangungusap) ay bumuo ng isang panalangin sa ating Panginoon na humihingi ng tulong para mapadali ang pagkawala o pagkapuksa ng COVID-19.
pls pa help
brainliest points
Answers & Comments
answer:
Ama naming Diyos na mahabagin sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa buhay at kalakasan na ipinagkaloob mo sa amin sa araw araw. Kami ay humihingi ng iyong kapatawaran sa marami naming mga pagkukulang at mga kasalanan.Ama, tulungan mo kami ngayon sa mapinsalang karamdaman dulot ng COVID-19. Alam naming Hindi ayon sa kalooban ang mga karamdamang dulot nito, kaya humihingi kami ng iyong mayamang kahabagan at pagiingat na kami ay ilayo mo sa ganitong uri ng virus. Iligtas mo Ama ang iyong mga anak. Tulungan mo rin Panginoon ang aming kababayan na kinakaharap na ngayon ang karamdamang dulot ng virus. Igawad mo sa kanila ang kalingan. Ama,sayo lamang kami lubos na nagtitiwala.Lalo na sa mga bagay na wala kaming magagawa.Tulungan mo kami huwag mo pong hayaang marami ang mapahamak,lalo na ang iyong mga anak.Maawa ka po sa amin.Ikaw nawa Panginoon ang maging sentro ng aming buhay,ng aming pamilya,kaibigan at ng buong sangkatauhan.Ang lahat ng ito Panginoon ay lubos naming ipinakatitiwala sa iyo sa matamis at makapangyarihang pangalan ng iyong Anak na si Jesus na siyang haring darating .Amen