Ang Talatuntunan ng Kaunlarang Pantao (Ingles: Human Development Index, daglat: HDI) sa Ingles ay isang talatuntunan o indeks na ginagamit upang sukatin o iranggo ang mga bansa ayon sa antas ng kaunlarang panlipunan at ekonomiya ng isang bansa at karaniwang nagpapahiwatig kung ang isang bansa ay maunlad, umuunlad, o kulang sa pag-unlad.
Ang makroekonomiks o makroekonomiya (Ingles: macroeconomics, Kastila: macroeconomía; mula sa unlaping "macr(o)-" na may kahulugang "malaki" + "ekonomiya") ay isang sangay ng ekonomiyang humaharap sa galaw o pagsasakatuparan, kayarian o istruktura, at asal o ugali ng isang pambansa o rehiyonal na ekonomiya o kabuhayan bilang isang kabuuan. Kasama ng mikroekonomiya o mikroekonomiks, isa rin ang makroekonomiya sa dalawang pinaka panglahatang mga larangan sa ekonomiya. Ito ang pag-aaral ng gawi o asal at pagpapasya ng kabuoan ng mga ekonomiya.
Ang ekonomiks na pang-agrikultura (Ingles: agricultural economics) ay orihinal na naglalapat ng mga prinsipyo ng ekonomiks sa produksiyon ng mga pananim at mga hayop na inaalagaan upang mapagkakitaan o maging pagkain, isang disiplinang nakikilala bilang agronomiks. Ang agronomiks o agronomika ay isang sangay ng ekonomiks na tiyakang humaharap sa paggamit ng lupa. Nakatuon ito sa labis na pagpapalaki ng dami ng naaaning mga pananim habang napapanatili ang ang isang mabuting sistema ng ekosistema. Sa kabuoan ng ika-20 daantaon, lumawig ang disiplina at ang mas malawak na ang pangkasalukuyang nasasakupan ng disiplina. Sa ngayon, ang ekonomiyang pang-agrikultura ay kinabibilangan ng samu't saring nilalapat o ginagamit na mga larangan, na maraming pagpapatung-patong sa piling ng kumbensiyunal na ekonomiks.
Answers & Comments
Answer:

Explanation:
Kahulugan lamang iyan