PASAGOT PLSSS I NEED IT BY TOMORROW Just click on the pic to see the whole pic (50POINTS)
Answers & Comments
shandy06
“MGA PAKINABANG NA PANG-EKONOMIKO NG MGA LIKAS NA YAMAN”
Una, Pakinabang sa Kalakal at Produkto:
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito. Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya.
Ikalawa, Pakinabang sa Turismo:
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at maging labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista ang mga makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ikatlo, Pakinabang sa Enerhiya:
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa. Isa itong malaking bagay na nakakatulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis. Pinatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya at lakas ng hangin ng Bangui, Ilocos Norte sa pamamagitan ng Windmill.
Ilan lamang ang mga ito sa kapaki-pakinabangang nakukuha sa ating likas na yaman.
Answers & Comments
Una, Pakinabang sa Kalakal at Produkto:
Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Kung kaya, ang Pilipino ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang mga pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa mga yamang ito. Ang mga ito rin ang nagdudulot ng pag-angat ng antas ng ekonomiya.
Ikalawa, Pakinabang sa Turismo:
Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing ang maraming lugar at tanawin sa bansa. Malakas itong atraksiyon sa mga turista buhat sa mga karatig-lalawigan at maging labas ng bansa. Ilan sa mga atraksiyong ito ang mga dalampasigan, talon, ilog, kabundukan, bulkan, kagubatan at maging ang ilalim ng dagat. Dinarayo rin ng mga turista ang mga makasaysayang lugar sa bansa. Bunga nito, malaki ang naiaambag ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ikatlo, Pakinabang sa Enerhiya:
Pinagkukunan din ng enerhiya ang likas na yaman ng bansa. Isa itong malaking bagay na nakakatulong sa ating ekonomiya dahil hindi na natin kailangang umangkat pa ng maraming krudo o langis.
Pinatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa talon ng Maria Cristina, lawa ng Caliraya at lakas ng hangin ng Bangui, Ilocos Norte sa pamamagitan ng Windmill.
Ilan lamang ang mga ito sa kapaki-pakinabangang nakukuha sa ating likas na yaman.