Questions


October 2022 1 3 Report

Pasagot nasa baba po ang pangalan ng mga nasyonalista

1. Kung halimbawa wala ang mga lider nasyonalista noon, ano kaya ang nangyari sa kanilang mga bansa?

2. Sino sa mga lider nasyonalista ang iyong nagustuhan at paano mo pahahalagahan ang kanyang ginawang kabayanihan?​

Mga nasyonalista:
Mohandas Karamchad Gandhi
- Si Gandhi ay naging inspirasyon ng marami dahil sa kaniyang katangitanging tahimik na pamamaraan ng pagtutol upang matamo ng India ang kalayaan. Nakilala siya bilang Mahatma o "Dakilang Kaluluwa". Tinuruan niya ang mga mamamayan na humingi ng kalayaan na hindi gagamit ng karahasan, dahil naniniwala si Gandhi sa Ahimsa (lakas ng kaluluwa) at Satyagraha sa pakikipaglaban. Hindi rin niya sinang-ayunan ang pagtatangi sa untouchables at sati para sa mga kababaihan. Ipinakilala rin ni Gandhi paraang civil disobedience kung saan ay hinikayat niya ang mga Indian na gumawa ng pagboykot o hindi pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles lalo na ang telang negosyo ng mga ito. Isinagawa rin niya ang pag aayuno o hunger strike upang makuha ang atensiyon ng mga Ingles at upang mabigyan ng agarang pansin ang kanilang kahilingang lumaya.

Mohamed Ali Jinnah
- Nakilala siya bilang "Ama ng Pakistan ", isang abogado at pandaigdigang lider. Naganyak ng kaibigan ng kaniyang ama na isang dayuhan tulad ni Sir Frederick Leigh Craft na mag aral sa London. Kabilang si Ali Jinnah sa Khoja Muslim sect. Si Mohamed Ali Jinnah ang namuno sa Muslim League noong 1905. Layunin ng samahan ang magkaroon ng hiwalay na estado para sa mga Muslim. Namuno siya upang ang Pakistan ay lumaya mula sa India. Noong Agosto 14, 1947 nang ipinagkaloob ang kalayaan ng Pakistan. Si Mohamed Ali Jinnah ang itinanghal na kauna-unahang gobernador heneral ng Pakistan. Namatay si Mohamed Ali Jinnah noong Setyembre 11, 1948.

Mustafa Kemal Ataturk
- Isa si Mustafa sa hindi pumayag sa kasunduan ng Italy at France na hatiin ang Imperyong Ottoman nang matapos ang kanilang digmaan noong 1912. Siya ang naging susi sa isang pagkilos na naganap noong Disyembre 1911 sa Battle of Tobruk, na kung saan ay may 200 Turko at Arabong militar lamang ang lumaban sa 2000 Italyanong naitaboy at 200 na nahuli at napatay, bagamat nagtagumpay pa rin ang mga Italyano, Si Mustafa Kemal ang nagbigay-daan sa pagtatamo ng kalayaan ng Turkey sa kabila na ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Britain, Greece at Armenia. Siya ang tumawag ng halalang pambansa at hiwalay na parlliamento na siya ang nagsilbing tagapagsalita (speaker). Ito ang Grand National Assembly ng Turkey. Ito ang nagbigay daan upang ang mga Turkong militar ay mapakilos na hingin ang kalayaan ng bansang Turkey.

Ayatollah Rouhollah Mousari Khomeini
- Noong 1962 nagsimula si Ayatollah na maging aktibo sa larangan ng politika. Kasama siya sa mga pagkilos at pagbatikos sa mga karahasang isinasagawa ng kanilang Shah sa mga mamamayan at ang tahasang pagpanig at pangangalaga nito sa interes ng mga dayuhan tulad ng Estados Unidos. Si Ayatollah rin ay gumawa ng makasaysayang pagtatalumpati noong Hunyo 3, 1963 laban sa patuloy na pagkiling ng Shah ng Iran sa mga makadayuhang pakikialam at pagsuporta nito sa Israel. Sa pamamagitan ng gawaing ito ay naaresto at nakulong si Ayalollah na umani ng malawakang pagsuporta ng mga mamamayan na naging sanhi ng kaguluhan sa bansa. Naranasan din ni Ayatollah ang maipatapon sa ibang bansa tulad ng Turkey at Iraq noong Nobyembre 1964, dahil sa pagsusulat at pangangaral laban sa pamunuang mayroon ang kaniyang bansa. Pagkatapos mabuwag ang pamahalaan ng Iran sa pamamagitan ng Rebolusyong Islamic noong 1979 at mapatalsik ang Shah muling bumalik si Ayatollah sa Iran na muling tinanggap ng mga mamamayan.
Ibn Saud
- Si Ibn Saud ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. Minsang nakulong sa Kuwait ang kaniyang pamilya at taong 1902 nang muling mapasakamay nila ang Riyadh, samantalang taong 1912 naman nang masakop niya ang Najd at dito ay bumuo ng pangkat ng mga bihasang sundalo. Matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, sinikap ng mga Ingles na mapalapit sa kaniya, ngunit di ito nagtagumpay sa halip ay pinaboran ang kaniyang katunggali na si Husayn Ibn Ali ng Hejaz. Taong 1924-1925 napabagsak ni Ibn Saud si Husayn at iprinoklama ang kaniyang sarili bilang hari ng Hejaz at Nejd. Pagkatapos matipon ang halos kabuuan ng Tangway Arabia taong 1932 binigyan ni Ibn Saud ang kaniyang kaharian ng bagong pangalan bilang Saudi Arabia. Nagtagumpay siya na mahimok ang mga Nomadikong tribo o pangkat-etniko na mapaayos ang kanilang pamumuhay at iwasan na ang gawain ng panggugulo at paghihiganti.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.