Para sa iyo, sino kila Manuel Roxas, Elpidio Quirino, at Ramon Magsaysay ang nagsagawa ng pinakamahusay na pamamahala sa bansa?Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin na
lutasin ang mga suliraning pangkabuhayan, nagpatupad si
Roxas ng mga programang pang-elektripikasyon, mga
pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal, at pag-aanyaya
sa mga dayuhang kapitalista gaya ng mga Amerikano na magtayo ng kanilang
negosyo dito sa bansa.
Maka-Amerikano si Roxas. Ito ay naging malinaw sa mga Pilipino noong
inihayag niya sa kanyang talumpati na dapat sumunod ang mga mamamayan sa
Estados Unidos at sa adhikain nito.
Di nagtagal, ang Pilipinas na isa nang Republika, at ang Estados Unidos
ay nagsagawa ng kasunduan. Ito ay ang Treaty of General Relations. Ayon sa
kasunduan, binawi at isinuko ng Estados Unidos ang kanyang pag-aari,
pangangasiwa, pananakupan at kapangyarihan sa buong kapuluan maliban
lamang sa mga base militar na mananatiling tagapagtanggol ng Pilipinas at
Estados Unidos. Habang hindi pa nakapagtatatag ng serbisyong diplomatiko ang
Pilipinas sa ibang bansa, kakatawanin muna ng Estados Unidos ang interes ng
Pilipinas sa mga bansang wala itong kinatawan. Sa kabilang dako, pumayag ang
Pilipinas na akuin ang lahat ng pagkakautang ng lungsod, munisipalidad at
lalawigan na umiral noong Hulyo 4, 1946. Sumang-ayon din ang Pilipinas na
ipagpatuloy ang lahat ng obligasyon ng Estados Unidos na nakapaloob sa
kasunduan ng Paris, noong Disyembre 10, 1898.
Sa pamamagitan ng Kasunduang General Relations, opisyal na kinilala ng
Estados Unidos ang kalayaan ng Pilipinas. Sa gitna ng pagtutol nina Luis Taruc,
Claro M. Recto at Sergio Osmeña, naisulong ni Roxas ang pagpapatibay sa
Parity Rights noong Marso 11, 1947. Ang susog na ito ay nagbigay ng pantay na
karapatan sa mga Amerikano sa paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
Bilang suporta kay Roxas pinagtibay naman ng kongreso ang Bell Trade Act of
1946 na ipinanukala ni Kongresista Jasper Bell ng Missouri. Ito ay nagtatadhana
ng pagkakaroon ng malayang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas Unidos mula Enero 1946 hanggang Hulyo 1954. Sa ilalim ng kasunduan, ang
mga taripa sa iba’t ibang produktong Amerikano at Pilipino ay taunang
madaragdagan ng 5 % hanggang maging 100 % pagsapit ng 1974.
Bukod pa dito, nilagdaan din ni Pangulong Truman ang Tydings
Rehabilitation of Act 1946 na nagtatadhana ng pagtanggap ng Pilipinas ng $620
milyon mula sa ang Estados Unidos upang maipagawa ang mga napinsala ng
digmaan at maibalik muli ang mga palingkurang-bayan.
Sa gitna ng pandaigdigang krisis at kaguluhan noong 1948,
naanyayahang magpahayag ng katapatan si Pangulong Roxas sa Estados
Unidos sa Kelly Theater sa Clark Air Base noong Abril 15, 1948. Kinagabihan,
habang si Roxas ay nagpapahinga, siya ay inatake sa puso na naging sanhi ng
Answers & Comments
Answer:
Para sa iyo, sino kila Manuel Roxas, Elpidio Quirino, at Ramon Magsaysay ang nagsagawa ng pinakamahusay na pamamahala sa bansa? Bilang pagtugon sa kanyang unang layunin na

kanyang maagang kamatayan.