Kung ating babalikan ang prehispaniko, ang kababaihan noon ay binibigyan ng espesiyal ng trato sa lipunan. Hindi nagkakalayo ang kalalakihan at kababaihan sa karapatan mula sa politikal,ekonomiko at relihiyosong aktibidad sa isang barangay lalo na sa loob ng tahanan. Ang pagkakaroon ng "binukot" o prinsesa sa iilang katutubong grupo sa Pilipinas ay nagpapakita ng respeto at mataas na pagtingin sa mga kababaihan. Dumako naman tayo sa pahanon ng espanyol, napalitan ito ng mababang uri ng pagtingin sapagkat nakikita nila na ang mga kababaihan ay pawang mahihina at marapat na nasa tahanan lamang, nagtuloy tuloy ito hanggang dumating ang mga Amerikano nang kanilang dalhin ang edukasyon. Ang edukasyon ay para lamang sa kalalakihan, pati na rin ang isyung panlipunan kung saan bawal manghimasok ang hindi lalaki.
Nabago ang lahat mula nang pumasok ang ilan sa makapangyarihang Filipina sa larangan ng politika; Miriam Defensor Santiago, ang pinaka kontrobersyal at pinaka intelektwal na babae; Corazon Cojuangco Aquino, ang pinaka impluwensyal at pinakaunang babaeng presidente ng republika ng Pilipinas.
Bilang konklusyon, ang kababaihan sa kasalukuyang henerasyon ay nagbibigay ng "Kalinangang Pilipino" pamantayan, pananaw at kaisipan. Sinasabi ding naipapakita na sa panahon ngayong ang potensyal ng kababaihan hindi lamang sa gawaing pambahay, bagkus sa iba't ibang larangan. Ito ang nagbibigay ng panibago at bukas na kaisipan upang mapaliit ang puwang ng lebel sa pagitan ng tungkulin at kasarian.
Sanggunian:
Ang kababaihan sa bagong henerasyon. retrieved from https://filipinopanitikan.wordpress.com/2012/09/16/ang-kababaihan/
Answers & Comments
Answer:
Explanation: