Panuto: Unawain ang mensahe ng sumusunod na tula at sagutan ang mga tanong kaugnay nito sa sagutang papel. Kapit Lang Kapatid! Tula ni Jennefer J. Millan Perlas ng Silanganan, 'yan ang turing sa atin, Magiliw, masayahin, mapagmahal man din. Ngunit batid ba nila ang dinaranas natin? Iba-ibang kalamidad, walang patid kung dumating Malakas na hangin, bubong mo'y halos liparin Bahang rumaragasa, takbuhan mo man wala kang kawala. Maalog na lupa, hindi ka makapagtatago saanmang dako Bulkang nagwawala, animo'y walang patawad sa maysala. Mahirap man unawain, sadyang ganito ang buhay natin. Paulit-ulit mang mawalan, masaktan at masugatan. Nakangiti pa ring hinaharap ang kinabukasan Para sa pamilyang minamahal at iniingatan "Kapit lang, kapatid yan lang ang kaya kong isambit Sa dasal at pananalig, diringgin din tayo ng langit “Pagkat ang Poong Maykapal lamang ang nakakaalam Kung hanggang saan ang higpit ng iyong kapit. "Kapit lang, kapatid 1. Tungkol saan ang mensahe ng tula? 2. Ano-anong mga kalamidad ang tinukoy sa tula? 3. Anong bahagi ng tula ang iyong naibigan? Ipaliwanag kung bakit? 4. Anong kalamidad ang naranasan na ng inyong pamilya? Paano ninyo ito hinarap? 5. Bakit kailangan nating paghandaan ang mga kalamidad?
Answers & Comments
Answer:
1. Tungkol sa mga kalamidad na ating nararanasan
2. Bagyo, Baha, Lindol, Pagbuga ng bulkan
3. maalaog na lupa, hindi ka makakapagtago saan man dako, dahil sadyang totoo ito kapag nagsimula nang lumindol wala ka nang mapupuntahan dahil pati ang lupa na iyong tinatapakan ay umaalog
4. Bagyo, nagdasal lamang kami at umaasang maliligtas sa kalamidad na ito
5. Upang tayo ay malayo sa panganib na dala ng mga ito