Panuto: Tama o Mali. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang Tama at Mali .
_____11. Sa panahon ni Jose Basco, inilipat niya ang pangangasiwaan ng monopoly sa tabako
sa maliliit na magsasaka.
_____12. Nag-alsa din ang mga taga Ituy at Paniqui (ngayon ay Isabela) na pinamumunuan nina
Lapulapu at Humabon ng Kalinga.
_____13. Ang pang-aabuso sa agraryo at pangangamkam sa lupa ng mga prayleng Espanyol
ang nagdulot na sumiklab ang pag-aalsa sa Katagalugan.
______14. Nangyari ang labanan sa Maynila sa Intramuros mula Setyembre hangang Oktubre 1762.
______15. Natapos ang Seven Years War sa paglagda ng kasunduan sa Paris
noong Pebrero 10, 1763.
_____16. Ang Labanan sa Maynila ang kauna-unahang pakikipaglaban ng
mga Pilipino laban sa pananakop ng mga Espanyol.
_______17.
Ang Pag-aalsa ni Lakandula ay dahil sa hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni
Gobernador-Heneral Miguel Lopez de Legazpi na malibre sa pagbabayad ng buwis at polc
ang mga kaanak ni Lakanduka ang huling hari ng Maynila.
_____18. Hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na ipasailalim ang mga Igorot.
_____19. Ipinapatay ng mga Espanyol sa mga indio na nakilahok sa pag-aalsa ni Magalat.
_____20. Isa sa mga dahilan ng pagkakabigo ng pag aalsa na mga Pilipino ay kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma.
Answers & Comments
Answer:
11. True
12. False
13. True
14. True
15. True
16. False
17. True
18. False
19. False
20. True
Sana po makatulong po itoo.