Questions


September 2022 1 4 Report
Panuto: Suriin natin ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipino sa mga epekto sa pagsasarili ng bansa na ipinapahayag ng ilang di-pantay na kasunduan tulad ng Philippine Rehabilitation Act, parity rights at Kasunduang Base Militar sa pamamagitan ng mga sumusunod na pangungusap. Salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga sa mga sumusunod na pahayag.

1. Sa pag-aakalang mas gaganda ang buhay nila sa Maynila, maraming taga-probinsya ang lumipat sa Kamaynilaan.

2. Dahil nawasak ang mga tirahan at gusali, nagsagawa ng malawakang pagbabagong-tatag ang pamahalaan.

3. Nangailangan ang pamahalaan ng maraming hayop na gagamitin sa pagsasaka sapagkat marami sa mga ito ang namatay dahil sa digmaan.

4. Upang maganyak ang mga nasa Maynila na manirahan sa labas ng lungsod, nagpatayo ng mga kalsada at tulay ang pamahalaan.

5. Dahil sa kahinaan ng mga bagong tatag na estado, sinamantala ang mga ito ng mga bansang makapangyarihan.

6. Umani ng batikos ang administrasyon ni Roxas dahil sa pananamantala ng Estados Unidos.

7. Hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang Parity Rights dahil ito ay nagbigay sa Amerika ng pantay na karapatan sa mga Pilipino pagtatayo ng negosyo sa ating bansa.

8. Sa tingin ng mga Pilipino ay hindi patas ang Bell Trade Act dahil ang produktong Pilipino na ipapasok sa Amerika ay may kota subalit ang produkto ng Amerika ipapasok sa Pilipinas ay walang kota.

9. Dahil ang Pilipinas ay malalagay sa alanganin kung masasangkot ang Amerika sa digmaan sa hinaharap, hindi nagustuhan ng mga Pilipino ang pagpahintulot na maglagay ng base military ng Amerika sa ating bansa.



PA HELP PO PLS NEED KONA PO!<3

10. Maraming hamon at suliraning kinaharap ang ating bansa bilang bagong estado kung kaya’t napilitan tayong manghiram ng salapi sa Amerika.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.