Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga mabuting epekto ng mga programang itinatag ng administrasyong Macapagal bilang pagtugon sa mga suliraning hinarap ng bansa sa panahong ito. (10 puntos)
Sa nagdaang tatlong taon, sumailalim ang Pilipinas sa isang pagbabagong radikal: Mula sa pagkakaroon ng isang pamahalaang nagtatag ng mga gawaing tigib ng korupsiyon, patungo sa isang pamahalaan na nagkakaloob ng mga serbisyo publiko na nakabatay sa mga prinsipyo ng pagiging bukás, pagkakaroon ng pananagutan at integridad; mula sa pagiging tahanan ng mga nananawagan sa pagbabago, tungo sa pangangalaga sa isang bansang binigyang-kapangyarihan at aktibong kumikilos nang sama-sama para sa mas malaking pagkakataon para sa sama-samang pag-unlad.
Ang nananatiling batayan ng pagbabagong ito bílang pilosopiyang nagpapagana sa adyendang panreporma ng administrasyong Aquino: Kung kaya nating alisin ang kultura ng korupsiyon sa bansa, mapapagaan natin ang kahirapan at sama-sama tayong makasusulong tungo sa isang Pilipinas na may kaunlarang pantay-pantay.
Upang maipagpatúloy ang momentum ng bansa, patuloy ang administrasyong Aquino sa pagpapahusay ng mabuting pamamahalang itinatag nito, na nagsasangkot sa pagpapalakas ng mga mekanismong kinakailangan para sa mabilis at epektibong pagpapahatid ng mga serbisyo sa mga Pilipino. Nagsagawa ng reporma ang pamahalaan sa mga proseso nito ng paggastos at pagbabadyet upang maisulong ang kapakinabangan at mabawasan ang pagkakataon para sa korupsiyon upang maiwasan ang pagsasayáng ng bilyong piso mula sa perang nalilikom mula sa buwis. Dahil dito, naipapadalá ng pambansang pamahalaan ang mga pondo sa mga pinakaagarang pangangailangan ng bayan—patungo sa mga programa na may malawakang pamumuhunan sa mga serbisyong bayan, kalusugan, at edukasyon, upang mapabuti at mapalakas ang ating pantáong kapital, na manghihikayat naman ng malawakan at pantay-pantay na paglago
Answers & Comments
Answer: