Panuto: Sagutin ang tanong nang buong linaw. Gumamit ng hiwalay na papel. 1. Si Chelsea Angel Rapisura ay isang mag-aaral na Grade 7 ng Ilocos Sur National High School na naging viral dahil sa pananatili nitong nakatayo sa gitna ng open field ng paaralan habang inaawit ang pambansang awit na umuulan. Sa kabila ng pagtawag sa kanya ng Assistant Principal para sumilong, nanatili siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa natapos ang pag-awit sa Lupang Hinirang. Ipagpalagay na ikaw ang nasa katayuan ni Chelsea Angel sa oras na iyon, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Oo o hindi? Bakit?
Answers & Comments
Answer:
Oo, dahil ito ay nagpapakita ng katapatan, respeto at pag galang sa sariling awit ng Pilipinas. Dito naipapakita natin ang pagka Pilipino natin kung paano natin respetuhin ang kung anong meron sa ating kultura, at bansa.
Explanation:
hope it helps po