Panuto: Sagutin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang titik nang
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga pangungusap ang nagsasabi ng epekto ng kolonyalismo at
imperyalismong kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at
Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-17 na siglo?
A. nagpagawa ng mga simbahan para maipalaganap ang Katolisismo
B. nagpalabas ng mga tuntunin upang mapasunod ang mga
katutubong Asyano
C. nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang
pakikipagkalakalan
D. nagtalaga ng mga taga ibang bansa ng kinatawan upang pamunuan
ang nasakop na bansa
2. Alin sa sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa
Asya?
A. pag-unlad ng ekonomiya
B. pagkamulat sa kanluraning panimula
C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa
D. pakikinabang ng mga kanluranin sa mga yamang likas
3. Ang panahon ng kolonyalismo ng mga Europeo ay nagdulot ng iba’t-ibang
epekto sa mga bansang Asyano. Alin sa sumusunod ang hindi epekto ng
pananakop ng mga kanluranin sa mga bansang Asyano?
A. paghahalo ng mga lahi dahil sa mga naganap na kasalang katutubo
at dayuhan
B. pangunahing gampanin ng mga bansang Asyano ang tagatanggap
ng mga produktong kanluranin
C. naturuan ang lahat ng Asyanong pamahalaan ang kanilang mga
sarili sa panahon ng pananakop ng mga kanluranin
D. ang pag-unlad sa sistema ng transportasyon at komunikasyon na
nagdulot nang mabilis na pagluwas ng kalakal sa pandaigdigang
kalakal
4. Alin sa sumusunod ang naging tungkulin ng mga Asyano sa mga
mananakop?
A. tagabili ng kanilang produkto
B. tagapagutos sa mga mananakop
C. tagapagtustos ng yaring produkto
D. tagapagtanggol sa mga mananakop
5. Ang pagdating ng iba’t ibang mananakop sa Silangan at Timog-Silangang
Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa aspektong politikal
ng mga nasakop na bansa
A. pagpapatayo ng mga imprastraktura
B. pagbabago sa paniniwala at relihiyon
C. pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
D. pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa
6. Ito ay nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang
nasyon- estado sa aspetong politika, pangkabuhayan at kultural na
pamumuhay ng isang mahina at maliit na nasyon-estado upang maging
pandaigdigang makapangyarihan.
A. imperyalismo
B. koloniyalismo
C. merkantilismo
D. sosyalismo
7. Ang patakarang ito ay ipinatupad ng mga kanluranin sa mga katutubo na
kung saan sapilitan silang pinagbabayad ng buwis.
A. encomienda
B. monopolyo
C. polo y servicio
D. tributo
8. Ito ay isang paraan ng pananakop kung saan ay pinag-aaway-away ng mga
mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
A. divide and Rule policy
B. imperyalismo
C. koloniyalismo
D. merkantilismo
9. Pinakamataas na kinatawan ng Hari ng Espanya sa Pilipinas para
pamunuan ito
A. alkalde mayor
B. cabeza de barangay
C. gobernadorcillo
D. gobernador heneral
10.Ang sentralisadong pamahalaan ay patakaran na ipinatupad ng mga
Espanyol na nakapaloob sa:
A. pampolitika
B. pangkultura
C. pangrelihiyon
D. pangkabuhayan
Answers & Comments
Answer:
1.A
2.B
3.B
4.D
5.A
6.D
7.B
8.A
9.C
10.D
Explanation:
Pa brainliest po