Questions


October 2022 1 2 Report
Panuto: Piliin mula sa kahon ang tinutukoy sa ibaba: Isulat ang sagot bago ang patlang.

Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Pagpipilian:

Amartya Sen
Pagsulong
Todaro at Smith
UNDP
Human Dev. Index

Pag-unlad
Inovator
Merriam Dictionary
Fajardo
Gender Dev. Index

_________1. Tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kayamanan ng isang bansa na matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlarang pantao,kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay.
_________2. Naglahad sa pagkakaiba ng pag-sulong at pag-unlad. _________3. Nagpaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung”mapapaunlad ang yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”.
_________4. Ito ay ang kalagayan ng bansa na nagpapakita ng kabuuang proseso na kinabibilangan ng iba’t-ibang aspekto ng lipunan,ekonomiya,politika,at kultural. Ito ay nagpapakita ng pagbuti ng kalagayan at pamumuhay ng mga mamamayan tulad ng mataas na antas ng pamumuhay, edukasyon,at kalusugan. _________5. Ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng babae at lalaki.Sapagkat kung wala ang gap na ito ay mabibigya ng pansin ang kaunlarang pantao.
_________6. Kailangan sa pag-sulong ng bansa,sapagkat taglay nila ang kaalaman at pagpaplano, pag-oorganisa,pag- uugnay at pag-papatupad ng mga patakaran at gawain sa ekonomiya. _________7. Naglahad na ang tunay na pag-unlad ay mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay.
_________8. Nagbigay kahulugan sa pag-unlad sa paraang tradisyunal at makabagong pananaw. Tradisyunal kung saan ang sukatan ng pag-unlad ay batay sa patuloy na pagtaas ng per capita income at sa makabagong pananaw na kung saan ang pag-unlad ay dapat kumakatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan.
_________9. Ito ang kalagayan ng bansa kung saan maaring masukat ang pagbabago gaya ng pagkakaroon ng makabagong teknolohiya,modernong ospital,mga gusali at makabagong teknolohiya.
_________10. Ito ang naglabas ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansa nito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.