Questions


October 2022 1 1 Report
Panuto: Maghanap ng isang tahimik at maaliwalas na lugar. Basahin ng
mabuti ang mga kataga ng awitin na isunulat ni Ka Freddie Aguilar -“Ang Bayan Kong Pilipinas". Kung maaari na may internet o recorded na sipi ng awitin dahil mas mainam kung mapakinggan mo ito. Mula sa mga talata sa awitin sa ibaba, pumili ng isang salita o kataga na nagustuhan mo at nakapaantig ng iyong damdamin.

Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Isulat ang salita na iyong napili.

2. Ano ang iyong nararamdaman? Bakit mo ito pinili? Ipaliwanag ang iyong sagot.

3. Bakit kaya nasadlak sa dusa ang bayan?

4. Sino ang tinutukoy sa awitin na Bayan?

5. Sino ang tinutukoy sa awitin na dayuhan?

6. Kung ikaw ay nasa panahon noon ng mga mananakop na Kastila, Ano rin naman kaya ang maibahagi at magawa mo para maipagtanggol ang bayan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.