Panuto: Isulat sa puwang sa unahan ng bilang ang TAMA kung wasto ang saad na kaisipan sa                     pangungusap; MALI naman kung hindi wasto. ________ 1. Ang Sigaw sa Pugad Lawin na naganap noong ika-23 ng Agosto ay simula ng himagsikan ni Gat Andres Bonoifacio, ang ama ng Katipunan, at ng iba pang rebolusyonaryo laban sa mga mapanupil na Kastila. ________ 2. Ang pagpunit ng cedula ng mga Katipunero ay sumisimbolo sa hindi na pagkilala ng mga ito sa kapangyarihan ng mga Amerikano sa Pilipinas. ________ 3. Naging matagumpay ang unang labanang  naganap sa bayan ng San Juan del Monte noong Agosto 30, 1896 dahil nalipol ng mga Katipunero ang mga pwersang Kastila. ________ 4. Nagkaroon ng Kumbensiyon sa Imus noong Disyembre 31, 1896 na naglayon na pagkasunduin ang dalawan pangkat ng mga Katipunerong Magdalo at Magdiwang, at ito ay naging matagumpay. ________ 5. Dahil sa hindi nagustuhan ang pagtutol ni Tirona, isang araw matapos ang halalan na ginanap sa Kumbensiyon sa Tejeros, ay dineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na halalan.  ________ 6. Sa dokumentong “Naik Military Agreement” na nilagdaan ni Supremo Andres Bonifacio, muli niyang sinasabi tulad ng ginawa niya sa Acta de Tejeros noong March 23, 1897 na siya pa rin ang Pangulo ng Pamahalaang Mapanghimagsik sa kabila ng pag-angkin din sa puwesto ni Heneral Emilio Aguinaldo. ________ 7. Hinatulan ng kamatayan ng Consejo de Guerra ang magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio dahil sa pagtataksil sa bayan at tangkang pagpatay sa bagong pangulong Heneral Emilio Aguinaldo. ________ 8. Napilitan si Aguinaldo na ipapatay si Bonifacio alang-alang sa kapanatagan ng bayan. ________ 9. Ang kinikilalang kauna-unahang republikang naitatag sa Pilipinas, ang Republika ng Biak-na-Bato, ay nagtagal lamang ng ilang buwan dahil sa naganap na kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni Aguinaldo at ng mga mananakop noong Disyembre 15, 1897. ________ 10. Lumisan tungong Hong Kong sina Aguinaldo noong Disyembre 24, 1897 kung saan nagtatag sila ng Junta, isang pagpapatuloy ng kanilang rebolusyon at pagkilos para sa kalayaan mula sa mga Español. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.