Questions


September 2022 2 1 Report
PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagbibigay kahulugan sa salitang kabihasanan?

A .Isang lipunang may mataas na antas ng pamumuhay, organisadong pamahalaan, relihiyon,sistemang pangkabuhayan,pagsulat at maunlad na teknolohiya.
B. pamayanang mapayapa dahil sa pagkakaroon ng matatg na pamahalaan
C. pamayanang maunlad dahil sa pagkakaroon nito mabilis na nakapag-ugnay at madala ang mga produkto sa ibat-ibang lungsod estado.
D. pamayanag maunlad dahil sa pagkakaroon nito naging mabilis ang antas ng komunikasyon sa bawat lungsod estado
2. Ang mga sinaunang pamayanan ay pinangungunahan ng pinuno na nagsisilbing tagapagbigay ng batas.Bakit mahalaga ang bahaging ginagampanan ng mga pinuno at batas sa isang sinaunang pamayanan?
A. upang may nangunguna sa bawat lungsod estado.
B. upang maging maayos ang sistema ng pamamalakad ng lungsod estado.
C. upang maging maayos ang sistema ng batas na sinusunod ng mga sinaunang tao para sa kaayusan ng isang lungsod -estado.
D. upang magsilbing kinatawan na haharap sa iba pang pinuno ng bawat lungsod estado.
3. Ang mataas na antas ng kabihasnan ay masasalamin sa pagsisimula ng sistema ng pagsulat ng mga sinaunang tao.. Dahil dito paano naging napakahalaga ng pagsulat sa kanilang panahon?
A nakaisip sila ng mga paraan ng pagsusulat sa pamamagitan ng paggamit ng stylus.
B. nakapagsulat sila sa clay tablet o mga basang luwad na lapida.
C. naitala nila ang mga pangyayari sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang sistema ng pagsulat.
D. nagamit na paraan ng pakikipagkalakalaan sa ibang lungsod estado.
4. Ang mga tubig at kapatagan ay nagsiibing mapagkukunan ng pangkabuhayan ng mga sinaunang tao. Ang isda at palay ay aspektong pangkabuhayan ng mga sinaunang tao, bakit ito nakatulong sa aktibong kalakalan sa pagtataguyod ng kabihasnan?
A.dahil ito ay likas na pinayabong upang hanggang sa kasalukuyan ay may pangkabuhayan.
B. dahil ito ang nagbigay daan upang matustusan ang lumalaking populasyon.
C. dahil ito ay isa sa ginamit upang maging daanan ng mga sasakyang pandagat sapakikipagpalitan ng produkto sa ibang lungsod estado.
D. dahil ito ay nakatulong upang matustusan ang pangangailangan ng bawat lungsod estado
5.Ibat ibang sitwasyon ang naganap sa sinaunang kabihasnan tulad ng pag-aagawan ng teritoryo at pamumuno. Kung ikaw ay isang kabataan na nabuhay noong sinaunang kabihasnan, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito
B May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at isa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.