Panuto: Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M kung mali ang isinasaad ng pangungusap.

1. Etnisidad ang tawag kung saan ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat na may iisang kultura.
_____2. Ang wika ang sumasalamin sa malaking bahagi ng ng kultura ng isang pangkat etnolinggwistiko.
_____3. Ang kultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pamumuhay ng isang pangkat ng tao.
_____4. Ang ebolusyong kultural ang nagbigay-daan sa pagbuo ng kabihasnan sa Asia.
_____5. Ang Japan ay may sariling kultura at paniniwala kung sino sila at kung ano ang kanilang katayuan sa mundo.
_____6. Ang mga tsino ay naniniwala rin sa divine origin ng kanilang emperador.
_____7. Sa Shinto, ang pinakamahalagang diyos ay si Manu.
_____8. Pinaniniwalaan ng mga Shinto na ang kanilang kultura at kabihasnan ay superior sa lahat.
_____9. Kinikilala ng mga Koreano na diyos ng kalangitan si Hwanin.
_____10. May sistema ng pagsukat at pagtimbang na ginagamit ang mga mangangalakal na Dravidian.
_____11. Karaniwang hugis parihaba ang mga lungsod ng kabihasnang Sumer.
_____12. Ang pagpapatuloy sa paggamit ng wika ay isang mahalagang salik din upang manatili ang isang kultura.
_____13. Ang pagkamatay ng isang wika ay nangangahulugan din ng pagkawala ng kultura.
_____14. Parehong naniniwala ang Hinduism at Buddhism na ang tahanan ng mga diyos ay ang Mt. Meru.
_____15. Si Tangun ang nagtatag ng unang kaharian sa Korea na tinawag na Gojoseon o Lumang Joseon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.