Questions


October 2022 1 8 Report
Panuto: Batay sa iyong napag-aralan, lagyan ng tamang sagot ang bawat patlang sa ibaba.
Unang naging Pangulo ng Ikatlong Republika si (1)________, inilunsad niya ang (2)________ na kung saan binigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano at Pilipino na linangin ang likas na yaman ng bansa.
Sunod na naging Pangulo si (3)________, na naglalayong paunlarin ang Pilipinas sa pamamagitan ng industriyalisasyon.
Tinaguriang “Kampeon ng Masang Pilipino” naman ang sumunod na Pangulo na si (4) ________. Isa sa pinakamagandang ambag niya ay ang tuluyang pagsuko ng Supremo ng mga Hukbalahap na si (5)_________________.
Ika-apat na pangulo ng Ikatlong Republika ay si Carlos P. Garcia, inilunsad niya ang (6)_______ o ang pagtitipid ng pamahalaan. Ipinaiiral din niya ang (7)_______ ang patakarang nagbibigay prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa.
Ang ikalimang pangulo ng Ikatlong Republika ay si (8) _______, tinuunan niya ng pansin ang paglutas ng suliranin sa hanabuhay ng mga Pilipino. Sa kanyang termino nilipat ang Araw ng Kalayaan sa (9)________at ang Hunyo 4 ay ginawang Philippine-American Friendship Day.
Panghuling pangulo ng Ikatlong Republika si Ferdinand E. Marcos, sa kanyang termino naging malawakan ang programang pang-imprastraktura gaya ng tulay, kalye, irigasyon at mga paaralan. Nabuo din ang (10) _____________ na ang layunin ay matamo ang pag-unlad na pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura ng rehiyon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.