Questions


September 2022 2 1 Report
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang. Piliin
ang titik na kumakatawan sa wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
Handa ka na ba? Maaari mo nang simulan ang pagsagot.
1. Sa panahong medieval, ang sistemang piyudalismo ay
piyudalismo ay umiiral sa
pamamagitan ng pamimigay ng lupain sa mga mabuting tagasunod ng hari o
Maharlika. Ano sa palagay mo ang tanging dahilan nito?
A. Ito ay pagpapakita ng kabaitan ng hari at Maharlika.
B. Resulta sa katapatan ng paglilingkod sa kanilang hari.
C. Kabayaran ang lupain sa serbisyong ibinigay ng mga alipin.
D. Gustong ibahagi ang malalawak na lupain sa mga mahihirap.
2. Sa panahong piyudalismo, ang naghahari ay ang mga noble na sila rin ang
panginoong maylupa at naging mahina ang impluwensya ng hari. Alin sa
sumusunod ang hindi nakatulong sa muling paglakas ng kapangyarihan ng
hari?
A. Pagbuo ng sentralisadong pamahalaan.
B. Pagpapalawak ng kanilang nasasakupan.
C. Pagtulong ng mga bourgeoisie sa pagpapaunlad.
D. Pagkakaloob ng buwis sa knight bilang proteksyon.
3. Sa panahon ng Medieval sa Europa, sino ang itinuturing na feudal lord sa
sistemang Piyudalismo?
A. Mga alipin na walang ari-arian.
B. Sila ay mga magsasaka at mandirigma.
C. Sila ay mga mangangalakal at mangagawa.
D. Siya ay isang hari, maharlika o isang kabalyero
4. Ito ay isang grupo ng mga tao na tinatawag na mangangalakal, ngunit hindi
nabibilang sa mga lipi ng maharlika at kaparian na nag-unlad ng kalakalan at
naglawak ng mga bayan sa panahong medieval. Ano ang tawag sa grupong ito?
A. Bourgeoisie B. Fief
C. Guild
D. Manor
5. Ang mga bourgeoisie ay malalayang mamamayan sa bayan sa Europe noong
Panahong Medieval na may malawak na impluwensiya ipinamana sa bawat
henerasyon. Alin sa sumusunod ang hindi impluwensya o katangian nila?
A. Mangangalakal at banker sa mga bayan at lungsod.
B. Mayayaman at kabilang sa uring nobilidad sa lipunan.
C. Mga propesyunal na naglunsad ng Rebolusyong Pampolitika.
D. Tinagurian silang middle class o panggitnang-uri ng mamamayan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.