Questions


August 2022 2 0 Report
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga sitwasyon at katanungan. Isulat sa puwang ang titik ng tamang sagot.
________1. Madalas kang umawit sapagkat hilig mo talaga ito subalit sinabi ng inyong kapitbahay na huwag ka nang kumanta dahil hindi maganda ang boses mo, ano ang magiging reaksyon mo?
A. Iiyak ako at sasabihin sa kanya na wala syang pakialam.
B. Magkukulong ako sa kwarto at doon na lamang ako kakanta.
C. Magsasanay pa ako lalo sa pag-awit upang maging mahusay ako.
D. Sasabihin ko sa nanay at tatay ko na pagalitan an gaming kapitbahay.
________2. May bago kang kaklase na galling sa malayong probinsya at madalas na naririnig mon a pinipintasan sya ng iba mo pang mga kaklase, ano ang iyong gagawin?
1. Magsasawalang kibo ako upang hindi mapaaway.
2. Kakausapin ko nang mahinahon ang aking mga kaklase at sasabihing mali ang kanilang ginagawa.
3. Ipaaalam ko sa aming guro ang pangyayari upang kausapin nya ang aking mga kamag-aral.
4. Papayuhan ko ang bago kong kaklase na lumaban sa mga pumipintas sa kanya.
A. 1 at 2
B. 2 at 4
C. 1 at 3
D. 2 at 3
________3. Sumali ka sa paligsahan sa pagtula subalit natalo ka at sinabi ng hurado na kailangan mo pang magsanay na mabuti. Paano mo haharapin ang pagpunang ito?
A. Tatanggapin ko nang maluwag sa kalooban ang aking pagkatalo at magsasanay pa akong mabuti.
B. Sasabihin ko sa karamihan na kamag-anak ng hurado ang nanalo sa paligsahan.
C. Hindi ko papansinin ang payo ng hurado.
D. Ipakikita ko na lubha akong nalungkot sa desisyon ng hurado.
________4. Kinikilala ka sa inyong paaralan bilang isang magaling na manlalaro ng basketbol at laging nananalo ang inyong kuponan ng dahil sa iyo. Marami kang natatanggap na
papuri mula sa iyong mga kapwa manlalaro, ano ang sasabihin mo sa kanila?
A. Sasabihin ko na talagang wala nang mas gagaling sa akin sa paglalaro ng basketbol.
B. Ngingitian ko na lamang sila at kakawayan.
C. Sasabihin ko na kaya rin nila ang aking ginagawa kung magsasanay silang mabuti.
D. Magsasawalang kibo ako upang hindi nila mahigitan ang husay ko sa paglalaro.
________5. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin upang maipakita ang kahinahunan sa pagtanggap ng puna mula sa kapwa?
A. Huwag na lang kumibo upang wala na silang masabi.
B. Magpasalamat sa ibinigay na puna at tanggapin ito nang maluwag sa loob.
C. Sabihin na lamang na susundin ang mungkahi kahit hindi naman.
D. Ipakita na kaya mo naming baguhin na hindi kailangan ang mungkahi nila
no memes or wrong answer kapag alam nyo po ang answer bibigyan ko po kayo nang brainliest

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.