Questions


September 2022 1 1 Report
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem.Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong kuwaderno.
1. Ano ang kahulugan ng Globalisasyon?
A. Malaya at malawakang pagbabago sa Sistema ng pamamahala sa buong
daigdig.
B. Mabilis na pagggalaw ng mga tao tungo sa pagbabbagong political at
ekonomikal ng mga bansa sa mundo.
C. Pagbabago ng ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng
pamumuhay ng mga mammayan sa buong mundo.
D. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ngmga tao, bagay impormasyon at
produkto sa iba’t-ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t-ibang bahagi ng
daigdig.
2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpapabago sa buhay ng tao sa
kasalukuyan?
A. Ekonomiya
B. Migrasyon
C. Globalisasyon
D. Paggawa
3. Maaaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo o dimensyon nito
maliban sa isa.
A. Ekonomikal
B. Sikolohikal
C. Sosyo-kultural
D. Teknolohikal
4. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng salik na naging
dahilan sa pag-usbong ng globalisasyon?
A. Pagkakaroon at paglago ng pandaigdigang pamilihan, transaksyon
sa pananalapi at pagpapalaganap ng kalakalan na transnational
korporasyon, transportasyon at komunikasyon, makabagong
teknolohiya, ideya at foreign direct investments.
B. Pagdami ng mga taong walang trabaho dahil sa natutumba ang maliliit
na negosyo at pagbaba ng sahod ng mga manggagawa.
C. Paglaganap ng biological weapons dulot ng mabilis na pagkalat ng
impormasyon sa iba’t ibang panig ng mundo at pagdami ng pamilihan
ng mga materyales na ginagamit dito.
D. Sinikap ng mapabuti ng mga lokal na kompanya ang presyo at kalidad
ng serbisyo at produkto upang maging kompetitibo laban sa mga
banyagang kompanya o mga multinasyunal.
5. Anong korporasyon na tumutukoy sa mga kompanya o negosyong
nagtatatag ng pasilidad sa ibang bansa, ang kanilang serbisyong
ipinagbibili ay batay sa pangangailangan ng lokal.
A. Del Monte Corporation
B. Multinational Companies
C. Rebisco Corporation
D. Transnational Corporation
6. Ano ang isa sa mga pangyayari na makapagbabago sa buhay ng tao mula sa
pagising, pagpasok sa paaralan at maging sa hapag kainan?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Pagkamamamayan
7. Alin sa mga sumusunod ang mabilis na nakapagdudulot ng malaking pinsala sa
buhay, ari-arian at institusyong panlipunan?
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Terorismo
8. Alin sa mga sumusunod na institusyon na itinuturing na perennial
institusyon?
A. Tindahan, opisina, tanggulan
B. Limbagan, paggawaan, koreo
C. Pamilya, simbahan, paaralan
D. Sandatahan, kagawaran, musuleo
9. Ayon sa may akda ng ‘The world is Flat’ na si Thomas Friedman, ang
globalisasyon sa kasalukuyan ay__?
A. katulad sa mga nagdaang panahon
B. mabilis, malawak, mura at malalim
C. mahirap at masalimoot
D. maraming lumalabag at may kumpetisyon
10. Ang globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng
mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t-ibang direksyon na
nararanasan sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Kaninong pagkahulugan
ito?

A. Cuevas (2005)
B. Nayan Chanda (200)
C. Ritzer (2011)
D. Therbon (2005)
11. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa mga pagitan
ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na
pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya
at impormasyon.
A. Globalisasyon
B. Lakas Paggawa
C. Migrasyon
D. Terorismo
12. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, anong sistemang pang-
ekonomiya ang umiiral na nagbibigay daan sa mas malawak na kalakalang
internasyunal at pamumuhunan?
A. Kapitalismo
B. Monopolyo
C. Monopsonyo
D. Oligopolyo
13. Sino-sinong tao ang tinutukoy na nakakatulong o demand sa kasalukuyang
globalisasyon?
A. Mga manggagawang nagpapakahirap para sa pamilya
B. Mga manggagawang sumama sa rally
C. Mga online seller
D. Mga skilled workers
14. Ang globalisasyon ay tinitingnan bilang isang pangmalawakang integrasyon
sa iba’t-ibang prosesong pandaigdig. Ito ay isang hamong pandaigdig na
nakapagdudulot ng malaking pinsala sa buhay, ari-arian at institusyong
panlipunan?
A. Epidemya
B. Katiwalian
C. Pangingibang bansa
D. Terorismo
15. Ayon kay Therborn (2005) siya ay naniniwalang ang globalisasyon ay may
ilang ‘wave’ o panahon?
A. 3 B. 4 C. 5 D. 6

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.