Questions


September 2022 1 5 Report
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot bago ang bawat bilang. 1. Sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan. a. Isyung Personal c. Isyung Panlipunan b. Kontemporaryong Isyu d. Kontemporaryong Usapin
2. Ano ang mga saklaw ng Kontemporaryong isyu? a. Isyung Pangkasarian C. Isyung Pang-paaralan b. Isyung Pantahanan d. Isyung Pangsimbahan
3. Ito ay tinatawag na elemento ng istrukturang panlipunan? a. Pangkasarian c. Pangpaaralan b. Social Status d. Social Studies
4. Alin sa mga sumusunod ang Isang halimbawa ng institusyon? a. Mambugan National High School c. Kaibigan b. Ascribed d. Padre de Pamilya
5. Ayon kay Karl Marx, ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawing na ugnayan at tungkulin. a. Tama c. Hindi sigurado b. Mali d. Hindi klaro
6. Maituturing ang pamilya bilang isang halimbawa ng secondary group? a. Tama c. Hindi Klaro b. Mali d. Hindi sigurado
7. Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap na totoo. a. Norms C. Simbolo b. Paniniwala d. Pananampalataya
8. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015. a. biodegradable C. solid waste b. nuclear waste D. electronic waste
9. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas? a. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura b. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao d. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
10. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa a. Nagiging sanhi ng pagbaha b. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito d. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.