Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa patlang ang PAGPAPAHALAGA kung nagsasaad ito
ng pagpapahalaga sa mga karapatan at EKIS kung hindi.
1. Ang pagkakaroon ng taunang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan ay karaniwang
dinadaluhan ng mga guro, mag-aaral at iba pang kawani ng pamahalaan..
2. Ang pagbabantay ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas sa mga hangganan ng
ating teritoryo.
3. Mga negosyanteng walang habas na pinuputol ang mga kakayuhan sa mga
kagubatan ng bansa ay kapaki-pakinabang at makakabuti para sa lahat.
4. Ang pagiging tapat ng pangulo sa mga nilagdaang kasunduan sa mga
dayuhang bansa ay nagpapakita ng pangangalaga sa karapatan ng Pilipinas.
5. Ang pagtupad sa mga tungkulin at pananagutan ay mabuting katangian na
dapat taglayin ng isang responsableng mamamayan.
6. Dahil sa tiyaga ni Mang Pepeng sa paghahanapbuhay nagkaroon siya ng
maraming mga lupain at ari-arian.
7. Ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa ibayong dagat ay nagpapakita ng
kasipagan at dedikasyon sa kanilang hanapbuhay kaya't marami sa kanila ang
nakatanggap ng pagkilala mula sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.
8. Ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ay madamdaming inaawit ang
Lupang Hinirang tuwing umaga bago magsimula ang klase.
9. May isang dayuhang naglalakad sa Kalye Harrison kaya't sinisigawan at
pinagtatawanan ito ng mga kabataang naglalaro dahil hindi naman nito
maiintindihan ang kanilang sinasabi.
10. Ang pagpapanatiling maging malinis ng mga kalsada at mga tabing-dagat ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa ating mga teritoryo.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.