Questions


October 2022 1 8 Report
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin
ang letra ng tamang sagot.
Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.
1. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa
paglibing ng mga yumao?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
2. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim o agrikultura?
A. Ice Age C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Paleolitiko
3. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleolitiko?
A. Agrikultura C. Irigasyon
B. Apoy D. Metal
4. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga
kaganapan?
A. Historiko C. Neolitiko
B. Mesolitiko D. Prehistoriko
5. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
6. Alin sa sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga
kasangkapan?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
7. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko
maliban sa:
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
8. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse, at Tanso
B. Panahon ng Bronse, Tanso, at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal, at Bronse
D. Panahon ng Tanso, Bronse, at Bakal
9. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko,
at Neolitiko. Ano ang kahulugan ng Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato
B. panahon ng lumang bato
C. panahon ng bagong bato
D. gitnang panahon ng bronse
10. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng
pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na
sila ng metal.
D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon
ng kalakalan.
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong
Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao.
B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak.
D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
12. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar
sa panahon ng Neolitiko?
A. natutunan na ang pagmimina
B. takot silang mabihag ng ibang tribu
C. mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim
D. natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa mga mababangis
na hayop
13. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
A. Dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim.
B. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian.
D. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng apoy.
14. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at
kasanayan sa pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain.
B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.
15. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga
pamprosesong may kaugnayan sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado C. maramot
B. mapagtimpi D. matalino

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.