Questions


September 2022 1 0 Report
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit hindi naimpluwensiyahan na magpabinyag sa Kristiyanismo ang ilang pangkat ng mga
Pilipino?
A. Sila ay nanirahan sa mga lungsod at may mga armas.
B. Sila ay nakipaglaban at hindi maabot ang lugar.
C. Sila ay mga dating datu at sultan.
D. Sila ay mga kaibigan ng mga Espanyol.
2. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?
A. Malawak ang lugar na ito.
B. Hindi interasado ang mga Espanyol.
C. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.
D. Nagkaisa ang mga Muslim laban sa Espanyol.
3. Pinamunuan nila ang pag-aalsa laban sa pagmamalabis ng mga pinunong Espanyol na sina Felipe
Catabay at Gabriel Tayag sa Cagayan Valley.
A. Mga Gaddang
B. Mga Igorot
C. Mga Ifugao
D. Mga Ilokano
4. Sino ang tumutol sa kautusan ng mga Espanyol na magpadala sa Cavite ng gagawa ng galyon mula
sa lalawigan ng Samar?
A. Juan Sumuroy
B. Hermano Pule
C. Francisco Maniago
D. Tamblot
5. Aling patakarang pangkabuhayan ang tinutulan ni Juan Sumuroy?
A. bandala
B. kalakalang galyon
C. sistemang kasama
D. polo y servicios
6. Sino ang nag-alsa dahil tumaggi ang kura na bigyan ng Kristiyanong libing ang kaniyang kapatid.
A. Francisco Dagohoy
B. Diego Silang
C. Juan Sumuroy
D. Francisco Maniago
7. Bakit itinuring na tagumpay ang pag-aalsa na pinamunuan ni Francisco Maniago?
A. Napatay nila ang gobernadora-heneral.
B. Pinangakuan sila na bibigyan ng malaking halaga at hahayaan silang magtanim sa kanilang
bukid.
C. Natalo nila ang puwersa ng mga Espanyol.
D. Namagitan ang prayle at pinakiusapan ang mga nag-aalsa na tumigil na at ibibigay ang
kanilang mga kahilingan.
8. Sino ang pinunong Espanyol ang nangako ng mga benepisyo sa mga pamilya ng mga datu at
Maharlika matapos sakupin ang Maynila?
A. Miguel Lopez de Legazpi
B. Guido de Lavezares
C. Narciso Claveria
D. Jose Basco y Vargas
9. Para kanino ipinaglaban nina Diego at Gabriela Silang ang kanilang pag-aalsa?
A. Para sa mga Ilokano
B. Para sa mga Ilonggo
C. Para sa mga Tagalog
D. Para sa mga Bisaya
10. Ito ang naging sentro ng pag-aalsang agraryo noong 1745.
A. Rehiyon ng Ilocos
B Katagalugan.
C. Rehiyon ng Bicol
D. Mindanao

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.