Questions


October 2022 1 12 Report
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang maikling kwento ni Digong bilang isang
mamimimli. Isulat sa Retrieval Chart ang pangalan ng mga produktong bibilhin kapag
may pagbabago sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo.


Ang Wais na Digong
Si Mang Digong at ang kanyang pamilya ay masayang namumuhay
kahit na katamtaman lamang ang kanilang katayuan sa buhay. Siya ay may
apat na anak na parehong nag-aaral pa. Ang kanyang asawa ay nagtatrabaho
din sa gobyerno gaya niya.
Ang palaging pasalubong nya sa mga anak ay apple at mangga, ito kasi
ang paborito nila. Nang minsang tumaas ang presyo nito ay hindi na muna
bumili si Mang Digong, sa halip ay saging na lamang dahil sa mura lang ang
presyo nito. May pagkakataon din na wala siyang pera na pambili ng prutas.
Sa tuwing may karagdagang kita na matatanggap ang mag-asawa gaya
ng bonus, dinadala nila ang mga anak sa SM at bibili ng mga mamahaling damit
at sapatos. Bumibili din sila ng litsong manok at baboy para panghapunan.
Tuwang-tuwa ang mga anak kapag may malaking kita ang mga magulang dahil
masasarap na pagkain ang inihahanda kumpara sa mga ordinaryong araw na
isda at gulay ang kadalasan nilang kinakain.
Habang masayang nanonood ng tv ang pamilya ay biglang nagkaroon
ng flash report tungkol sa paparating na malakas na bagyo sa kanilang lugar.
Kinaumagahan, ang mag-asawa kasama ang mga anak ay nagpunta sa
supermarket para makabili ng delata, noodles, itlog at bigas na mahigit isang
lingo bago nila ito maubos. Tulad ng inaasahan, bumagyo nga ngunit walang
pinsalang naiwan sa kanila dahil napaghandaan nila ito.
Nang magkasakit si Mang Digong, napilitang mangutang ng malaking
halaga ang kanyang asawa para mapagamot siya. Sa loob ng tatlong buwan
nilng pagbabayad sa nasabing utang ay tatlong buwan ding nagtitiis ang mga
anak sa maliit na baong pera dahil binawasan ng kalahati pati tinapay na pang
meryenda ay pinaghahatian din nila. Sa kanilang pagtutulongan,
nakaraos din.
Ang bunso sa magkapatid ay naiiba sa lahat. Ang perang baon ay
tinitipid para pambili ng mga nauusong accessories. Kapag may bagong uso
na nakikita sa tv at mga kaklase ay agad siyang bibili na marami.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.