Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Maraming mga batas ang naipasa sa kasalukuyan na tumutukoy sa pagprotekta at pantay na karapatan ng mga kababaihan sa lipunan. Sa palagay mo, bakit patuloy pa rin itong nangyayari sa kasalukuyan? Ipaliwanag
2. Paano iminulat ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya ang kahalagahan nila sa lipunan?
3. Bilang isang mag-aaral na may nanay, ate, kapatid na babae at maaaring isang babae din, paano mo maipakikita ang tunay na pagpapahalaga at paggalang sa kababaihan? Ipaliwanag ang sagot.
Answers & Comments
explanation :
1. patuloy Pa din itong nangyayare dahil sa patuloy na pang mamaliit ng karamihan sa mga kababaihan.
2. Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa upang maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang mga boses. Sapagkat minsan na nilang naranasan ang iba’t ibang anyo ng pang-aapi at diskriminasyon sa lipunan at sa kanilang pamilya.
3. biang isang magaaral na may nanay, ate, kapatid na babae at bilang isang babae din, makipapakita ko ang tunay na pagpapahalaga at paggalang sa kababaihan sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang komento, pagtitiwala sa kanilang abilidad at sa kanilang pamamaraan, dahil naniniwala ako na na kung kaya ng lalaki kaya rin ng mga BABAE.