Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa isang sagutang papel.
1. Sa Pilipinas ay may 12% ng kababaihan ay nasa lakas-paggawa ng propesyonal at managerial; 50% -gawaing klerikal, sales at serbisyo; at 11% - industriya. Ano ang implikasyon nito?
A. Ang mga kababaihan ay ginagawang alipin sa Pilipinas
B. Mababa ang antas ng diskriminasyon ng kababaihan
C. Hindi malawak ang oportunidad sa paghahanapbuhay
D. Ang mga kababaihan ay pinababayaan ng pamahalaan

2. Si Ana ay hindi tinanggap sa pabrika na kaniyang pinag-aaplyan sa kadahilanang siya ay may-asawa na at isang buntis. Isa ba itong paglabag sa karapatan ni Ana?
A. Oo, kasi nilabag ng pabrika ang kaniyang karapatang magtrabaho
B. Oo, dahil hindi naman siya mabubuntis ulit
C. Hindi, kasi hindi niya mapipilit ang pabrika na tanggapin siya
D. Hindi, dahil hindi tungkulin ng pabrika na magbayad ng mga benepisyo

3. Sa China, ang sentro ng pamilya ay ang lalaki.Napagtibay ang pagigigng patrilineal, patrilocal, at patriarkal ng mga pamilyang Chinese. Ano ang papel na ginampanan ng mga kababaihan sa bansang ito?

A. Tungkulin ng babae na sundin at paglingkuran ang malalapit na lalaki sa kaniyang pamilya
B. Tungkulin ng kababaihan na magsilang ng anak
C. Hindi sila maaring magmana ng kayaman
D. Lahat ng mga nabanggit

4. Sa pilosopiyang Confucian, ang paghihiwalay ng kalalakihan at kababaihan ay bahagi ng natural na kaayusan upang manatili ang balanse ng daigdig. Dahil sa ideolohiyang ito, napagtitibay ang pagiging patrilineal. Ano ang kahulugan ng salitang patrilineal?

A. Tumukoy sa pagkakaroon ng iisang asawa
B. Pagtunton sa pinagmumulan ng tao sa panig ng ina
C. Ang babaeng asawa ay naninirahan sa angkan ng lalaki
D. Pagtunton sa pinagmumulan ng tao sa panig ng ama

5. Ang bansang Japan ay isa sa mga sinaunang lipunang Asyano na matrilineal. Bakit hinimok ang pamumuno ng sinaunang kababaihan sa bansang ito?

A. Dahil magaling dumiskarte ang mga babae
B. Dahil nakaatas sa kanila ang mahalagang tungkulin
C. Dahil hindi marunong mamuno ang mga kalalakihan

D. Dahil pinaniniwalaan na sila ang magdadala ng kapayapaan at kaayusan sa Bansa

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.