Questions


May 2022 1 10 Report
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bilang unang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas, ano ang suliraning unang
ikinaharap ni Manuel Roxas?
A. Suliranin sa Hukbalahap
C. Suliraning dulot ng digmaan
B. Suliraning pangkatahimikan
D. Pagbabagong sigla ng kultura
2. Upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa ay pinagtibay niya ang Magna
Carta of Labor at Minimum Wage Law.
A. Pres. Manuel Roxas
C. Pres. Carlos P. Garcia
B. Pres. Elpidio R. Quirino
D. Pres. Diosdado P. Macapagal
3. Bakit itinatag ni Pangulong Roxas ang Rehabilitation Finance Corporation?
A. Upang matulungan ang mga maliliit na negosyante.
B. Upang malutas ang suliranin sa HUK
C. Upang matulungan ang mga magsasaka.
D. Upang mapagamot nang libre ang mga maysakit.
4. Bilang pangulo, ano ang naging kontribusyon ni Ramon Magsaysay?
A. Inilunsad ang pakaran sa pagtitipid
B. Ipinalabas niya ang Atas ng Pangulo Blg. 27
C. Binigyang diin ang kalagayan ng mahihirap
D. Itinatag niya ang Agricultural Credit and Cooperative Financing Corporation
5. Ano ang ibig sabihin ng Pilipino Muna?
A. Hinikayat ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling atin.
B. Pilipino lang ang makapagbili ng produkto.
C. Bawal tangkilikin ang produktong mula sa ibang bansa.
D. Manguna ang mga dayuhan sa pagnenegosyo.
6. Sinong pangulo ang nagtatag ng Rehabilitation Finance Corporation na nagpapautang
para sa pagsasaayos ng ibat-ibang industriya, sakahan, negosyo atbp.
A. Carlos P. Garcia B. Manuel Roxas C. Disodado Macapagal D. Ferdinand Marcos
7. Sa anong samahan ng mga bansa nakasama ang Pilipinas sa panahon ng panunungkulan
ni Pangulong Garcia?
A. UN
B. SEATO.
C. ASA
D. ASEAN
8. Ano ang naging ambag ni Pres. Diosdado Macapagal na nakapagdulot ng pag-unlad sa bansa?
A. Pilipino muna
C. Sabog tanim at produksyon ng isda
B. katahimikan at kaayusan D. paglutas sa mga suliraning sa hanapbuhay ng mga Pilipino
9. Sa kanyang panunungkulan naipatayo ang Cultural Center of the Philippines, Heart Center at
Development Academy of the Philippines. Sino siya?
A. Pres. Elpidio Quirino
C. Pres. Carlos P. Garcia
B. Pres. Ferdinand Marcos
D. Pres. Diosdado Macapagal
10. Alin dito ang hindi kasama sa pagbabagong-sigla ng kulturang Pilipino?
A. Itinaguyod ang taunang Gawad na Pangkultura.
B. Paggawad sa mga Pilipinong manunulat
C. Magsuot ng mga kasuotang Pilipino.
D. Parangalan ang mga dayuhang artista

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.