Questions


October 2022 2 2 Report
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?

A. tahanan C. paaralan
B. palengke D. pabrika
2. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________

A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging
B. Illegal mining D. Global warming
3. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa ______.

A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
C. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
4. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?

A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. lahat ng nabanggit
5. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?

A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit
6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?

A. Paglipat ng pook tirahan C. Ilegal na pagtotroso
B. Pagdami ng populasyon D. Ilegal na pagmimina


7. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?
A. pagbaha C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
B. pagguho ng lupa D. lahat ng nabanggit
8. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa _____________.

A. solid waste C. climate change
B. ilegal na droga D. pagkasira ng mga likas na yaman
Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang
A. Ecological Garbage Management Act of 2010
B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
C. Ecological Garbage Management Act of 2000
D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010
9. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang

A. kawalan ng suporta ng mga namamahala
B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura
10. Bonus
11. Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin
sa basura at may adbokasiyang zero waste.
A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan
B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation
12. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on
Climate Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa
Pilipinas?
A. Republic Act 7586 C. Executive Order No. 23
B. Republict Act No. 9729 D. Republic Act No. 8749
13. Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong
mapasidhi ang mga programa tungkol sa muling paggugubat?
A. Republic Act 2706 C. Presidential Decree No. 705
B. Republic Act 2649 D. Presidential Decree No. 1153
14. Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba
at mga yaman nito.
A. The Chainsaw Act
B. Indigenous People’s Rights Act
C. Wildlife Resources Conservation and Protection Act
D. National Cave and Resources Management and Protection Act
15. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod ang
kaagapay ng pamahalaan sa pangangalaga sa kagubatan?
A. mga NGO C. mga katutubong Pilipino
B. mga pulis D. mga forest rangers


16. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report noong 2015.
A. biodegradable C. solid waste
B. nuclear waste D. electronic waste
17. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?

A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
18. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa______

A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito
19. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse at malusog na kapaligiran.

A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan
B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.