Panuto: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.

1.Saan ginagamit ang malaking bahagi ng buhay ng tao para matugunan ang kanyang pangangailangan?

A. sa pagsasaya
B. sa pagliliwaliw
C. sa paggawa
D. sa pamamahinga

2. Ano ang dapat mong gawin sa iyong kakayahan na bigay ng Diyos?

A. itago
B. ikahiya
C. ikarangal
D. ipagyabang

3. Paano mo gagawin ang gawaing nakaatang o itinakda sa iyo?

A. ipagwalang bahala ito
B. humingi ng tulong sa iba
C. gawin sa abot ng makakaya
D. gawin kung kailan gustong gawin

4. Paano mo maiiwasan ang pandaraya sa pagsasagawa ng mga gawain?

A. gawin kapag oras na
B. gawin nang madalian
C. ibuhos ang buong kakayahan
D. hayaang nakatiwangwang ang mga gawain

5. Bakit kailangan mong magtrabaho bilang isang mamamayan?

A. upang matuto ka
B. upang ikaw ay malibang
C. para makapagpalipas ka ng oras
D. upang matugunan mo ang pangangailan ng sarili at bansa

6. Ano ang katangiang dapat ipakita para uunlad ang isang pamayanan?

A. maraming negosyante
B. maganda ang pook aliwan.
C. maraming mayayamang naninirahan.
D magsikap, magtrabaho at magtutulungan ang mga kapitbahay.

7. Ano ang palatandaan ng kaunlaran sa larangan ng kabuhayan?

A. paglaki ng populasyon
B. pagdami ng laang-bisig
C. pagdami ng nandarayuhan
D. paglaki ng bilang ng may hanapbuhay

8. May mga gawain na nakatulong sa pag-unlad ng bansa. Alin sa sumusunod ang hindi nakakatulong?

A. pagiging malikhain at masisikap na tao
B. pagpunta ng mga propesyonal na Pilipino sa ibang bansa
C. paggamit ng mga kalakal at paglilingkod nang wasto
D. wastong paggamit ng likas na yaman

9. Ano ang magandang naidudulot sa aktibong pakikilahok ng isang mamamayan para sa kanyang bansa?

A. kahirapan
B. kaguluhan
C. kaunlaran
D. kamangmangan

10. Alin sa mga sumusunod na katangian ang hindi magandang saloobin sa paggawa?
A. malikhain
B. katapatan
C. tiwala sa sarili
D. katamaran​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.