Questions


September 2022 1 1 Report
Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Ako’y Isang Muslim, Ako’y Filipino rin
Isinulat ni: Flordeliza P. Padilla
Muslim ang taguri nila sa akin, Sa lugar ng Mindanao ako ay nanggaling, Bahagi rin ng Pilipinas ang bayan namin, Dito sa bansang ito ako’y isinilang din. May sarili kaming pananaw at paniniwala, Aming kalayaan sa aming ninuno nagmula. Di namin hangad ang makipagdigma, Hangad lang namin mamuhay nang mapayapa.
Itong mga Espanyol sa Pilipinas noo’y nandayuhan, Hinangad nila na bansa ay pamunuan. Tagalog at Bisaya inalisan ng kalayaan, Ngunit ang aming angkan, di lahat sumang-ayong pamunuan. Para sa amin kalayaan ay mahalaga, May kalayaan kaming manampalataya, Mamuhay nang nakaayon sa pagsamba kay Allah, May kalayaan din kaming sa sariling teritoryo’y mamahala. Magkakaiba man tayo ng pananaw at paniniwala, Magkakabuklod pa rin ating puso at diwa, Kaysarap mabuhay dito sa sariling bansa, Kung ang kalayaan patuloy na tinatamasa. Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang tula?
2. Ano ang taguri sa bata?
3. Sino ang nanakop sa Pilipinas?
4. Paano nila tinatamasa ang kanilang kalayaan?
5. Bilang isang batang Filipino, paano mo nais matamasa ang iyong kalayaan?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.