Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong at piliin ang pinakatamang kasagutan.

1. Alin sa mga sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng salitang Renaissancena nagsimula noong ika-14 na siglo matapos ang gitnang panahon?A. Muling pagsikat ng kasanayan ng Italya-Romano.
B. Muling pagsilang ng kaalamang Griyego-Romano.
C. Muling pagsimula ng kaalamang Griyego-Romano.
D. Pagkakaroon ng bagong kaalaman sa agham at relihiyon sa Europe.

2. Sino ang tinutukoy na mga iskolar na nanguna sa pag-aaral ng klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome?
A. Historyador
B. Humanista
C. Iskolar
D. Pilosopo

3. Ano ang tawag sa kilusang intelektuwal noong Renaissance na naniniwalang dapat pagtuunanng pansin at pag-aaral ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome?
A. Protestantismo
B. Humanismo
C. Komunismo
D. Enlightenment

4. Paano binago ng mga ambag ng Renaissance ang pananaw sa kultura ng kasalukuyangpanahon?

A. Ito ay nagbigay-daan sa pagyaman ng kabihasnan ng daigdig dulot ng malawak atmaunlad na pag-aaral, pagmamasid at pananaliksik.

B. Ito ay nagbigay-daan sa pag-usbong ng Rebolusyong Intelektuwal at malawak nakaalaman sa daigdig, malayang pag-iisip at pagpapahayag.

C. Ito ay nakatulong sa pagsulong at pagbubuklod-buklod ng mga bansa sa katotohanang ang pagpapahalaga sa kalayaan at kabutihan ay nauukol sa sangkatauhan.

D. Ito ay nakatulong sa pag-unlad ng daigdig sa iba’t ibang larangan tulad ng sining at kultura, agham at matematika at pilosopiya.

5. Ano ang mahalagang kontribusyon ni Laura Cereta mula sa Brescia sa kalagayan ng kababaihan sa panahon ng Renaissance?

A. Isinulong niya ang makabuluhang pagtatangol sa pag-aaral na humanistiko para sa kababaihan.

B. Ipinaglaban niya ang mga kababaihan na makalahok at magkaroon ng karapatan sa politika at sa pagboto.

C. Isinulong niya ang pagtatanggol sa mga kababaihan na inaapi at inaabuso ng kanilang mga asawa at mga pinaglilingkuran.

D. Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga kababaihan ukol sa pag-aasawa, pagdadala ng apelyido at pagkakaroon ng anak.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.