Questions


September 2022 1 3 Report
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at pagkatapos bilugan ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang Pilipinas ay may mabundok na heyograpiya. Ano ang naibigay nitong benepisyo sa ating ekonomiya na nakatulong sa mga industriyal na bansa tulad ng Tsina, Hapon at Estados Unidos? A. Mayaman na agrikultura B. Mayaman na pagmamanupaktura C. Mayaman na minahan at quarry D. Mayaman na pamumuhunan sa mga negosyo 2. Ang pagiging mayaman ng kanlurang Asya sa langis ang nagdulot ng isang malawakang urbanisasyon sa mga lugar dito tulad ng Dubai na isa sa may malalaki ng kinikita sa buong mundo. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto nito sa mga Asyano? A. Marami ang mga nangungutang na Asyano sa kanila. B. Mataas ang pangangalaga ng mga Asyano sa kapaligiran sa lugar na ito. C. Marami ang pumapasok sa prosesong migrasyon na galing sa iba't ibang rehiyon sa Asya papunta sa lugsod ng Dubai. D. Maraming mga Asyano sa ibang rehiyon ang nagpapatayo ng negosyo rito nagdulot ng malawakang industriyalisasyon dito. 3. Alin sa mga sumusunod ang naitutulong ng bansang Hapon sa ibang bansa? A. Mahahalagang bakal B. Mga sasakyan C. Mga pananim D. Electronics 4. Ano ang naitulong ng rainforest sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya? A. Pagtaas ng bilang ng tirahan ng mga hayop B. Pagkakaroon ng pagdagdag na kita sa agrikultura C. Pagkakaroon ng malawakang pakikipabaka sa mga bansa dito D. Mas lumawak ang ari-arian ng mga manggagawang electronics 5. Ang Tsina ay isa sa mga bansang may malawak na koneksyon sa ibang bansa tulad ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang kontribusyon nito sa ibang bansa sa Asya? A. Petrolyo B. Palaisdaan C. Mga pananim D. Electronics at mga makinarya 6. Ang mga mahahalagang mineral tulad ng phosphate at bakal ay naging kalamangan ng Timog Asya Paano mapapakinabangan ng ibang rehiyon sa Asya ang mga mahahalagang mineral na ito? A. Imprastruktura at makinarya B. Pagkain at gamot sa may sakit C. Pagpapalago ng yamang dagat D. Paggawa ng salapi sa ibang bansa 7. Bakit mahalagang mapagyaman natin ang yamang likas ng ating rehiyon? A. Dahil ang yamang likas ang tinuturing na habitat. B. Dahil dito na ngangalap ng pagkain ang lahat ng hayop na may buhay C. Dahil ang yamang likas ay biyaya ng Poong Maykapal D. Dahil sa yamang likas tayo umaasa ng ating pang araw-araw na pamumuhay at ito ang nagpapaangat din ng ating kita. 8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig sa katangian ng Asya bilang isang kontinente? A. Ito ay sagana sa digmaan. B. Ito ay nagdulot ng kapahamakan sa ibang kontinente. C. Sagana ang mga bansa dito sa iba't ibang yamang likas. D. Maraming uri ng pamumulitika sa mga bansa sa Asya. 9. Ang pamumuhay sa Timog Asya ay nakabatay sa subsistence farming kung saan sila ay nagtatanim upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Ang sumusunod ay magandang epekto ng subsistence farming maliban sa: A. May sapat na pagkain para sa pamayanan. B. Nakakalahok sa malaking pamilihan C. Nakalilikha ng trabaho. D. Nalilinang ang pagkakaisa sa pamayanan. 10. Ang Pilipinas ay napapaligiran ng katubigan at maraming kapuloan. Paano ito nakakatulong sa ekonomiya? A. Mas marami tayong likas na yaman na iba't ibang pang mineral. B. Mas mayaman tayo sa petrolyo at iba pang mineral C. Mas malawak ang ating pataniman ng mga palay. D. Nangunguna tayo sa paglalakbay sa iba't ibang bansa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.