Questions


October 2022 1 1 Report
Panuto: Basahin ang mga pahayag at piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.
____ 1. Ano ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kabatiran o kaliwanagan ng mga
ilustrado na naging daan ng pagtaas ng kanilang kamalayang pampolitika at
panlipunan ng mga Pilipino?
A. La Ilustracion C. ilustrado
B. laissez faire D. intellegentsia
____ 2. Anong uri ng grupo ng mga tao ang kabilang sa mga pamilyang maykaya sa
buhay o buhat sa gitnang uri?
A. La Ilustracion C. illutrado
B. laissez faire D. intellegentsia
____ 3. Aling sistema ang nagsasabi na ang lakas ng bansa ay nakasalalay sa dami ng
ginto at pilak nito?
A. kapitalismo C. liberismo
B. kalakalang galyon D. merkantilismo
____ 4. Aling sistema ang may kinalaman sa pamamaraan o pamumuhunan na
nagbunsod sa malayang kalakalan?
A. kapitalismo C. liberismo
B. kalakalang galyon D. merkantilismo
____ 5. Anong pilosopiyang pampolitika ang nagpapahalaga sa pagkakaroon ng
kalayaan at pagkakapantay-pantay ng bawat tao?
A. kapitalismo C. liberismo
B. kalakalang galyon D. merkantilismo
____ 6. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ilustrado?
A. Andres Bonifacio C. Marcelo H. Del Pilar
B. Jose Rizal D. Mariano Ponce
____ 7. Alin ang nagsasaad ng katangian ng sistemang merkantilismo?
A. pagkakaroon ng malayang kalakalan
B. kapangyarihan batay sa dami ng pilak at ginto
C. pamumuhunan na bunsod ng malayang kalakalan
D. pagkontrol ng mananakop sa kalakal ng nasakop na bansa
____ 8. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa katangian ng doktrinang
laissez-faire?
A. pagkakaroon ng malayang kalakalan
B. walang pakialam ang pamahalaan sa pamilihan
C. ang pahahalaan lamang ang nagtatakda ng kalakal
D. ang pamahalaan ay hindi nagtatakda ng ng halaga ng kalakal
____ 9. Alin sa mga pangyayari ang tungkol sa sistema ng merkantilismo ang hindi
naganap?
A. humina ang kita ng ani
B. pagpasok ng sistemang kapitalismo.
C. pagbubukas ng bansa ng pintuan nito para sa pakikilahok sa pandaigdigang
kalakalan
D. naging mabilis ang transportasyon at komunikasyon dahil sa Rebolusyong
Industriyal
____ 10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi naging bunga ng paglaganap ng
kaisipang La Ilustracion?
A. nagkaroon ng mga grupong intelligentsia
B. nawalan ng interest ang mga kabataang Pilipino na mag-aral
C. paglitaw ng pangkat ng ilustrado o mga Pilipinong buhat sa gitnang uri
D. nagkaroon ng kaliwanagan o tumaas ang antas ng kamalayang pampolitika
at panlipunan ng mga Pilipino

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.