Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto at isulat ang MALI kung ito ay wasto.

1. Ang layunin ng Pamahalaang Komonwelt ay maihanda ang Pilipinas sa ganap na pagsasarili sa loob ng sampung taon.

2. Ang istruktura ng Pamahalaang Komonwelt ay may tatlong sangay na binubuo ng pamahalaang ehekutibo, lehislatura, at hudikatura.

3. Ang pangulo ng bansa ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na may kasamang mabigat na responsibilidad o tungkulin kasama na rito ang magtiis sa mga paglabas ng batas at hayaang magkaroon ng krimen sa bansa.

4. Isang mahalagang bagay na naitatag ng Pamahalaang Komonwelt ang pagkakaroon natin ng sariling Sandatahang Lakas upang makatulong sa pagtatanggol ng bansa sa oras ng kagipitan.

5. Ang pamahalaang ehekutibo ay may hawak ng Korte Suprema dahil ito ay kanyang kapangyarihan ayon sa Saligang Batas.

6. Sa matagal na panahon, hindi pantay ang pagtrato sa mga kalalakihan at kababaihan sa ating lipunan kaya naman nang mabigyan sila ng pagkakataong makaboto at humabol sa anumang posisyon sa pamahalaan sila ay natuwa at naging bahagi sila ng lipunan.

7. Sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt , maraming mga Pilipino ang nabigyan ng pagkakataong mamuno at magamit ang angking galing sa pamamalakad ng bansa kaya naman nagkaroon ng kumpiyansa na pamahalaan ng mga Pilipino ang pamumuno sa bansa.

8. Ang Pamahalaang Komonwelt ay tatagal ng sampung taon. Ganito katagal ang ibinigay na panahon ng mga Amerikano dahil nais nilang mahasang maigi ang mga Pilipino sa pamamahala.

9. Ang Katarungang Panlipunan ay nagbibigay karapatan sa mga magsasakang Pilipino na makakuha ng bahagi ng kanilang lupang sinasaka.

10. Wikang "Pilipino ang opisyal na wika ng bansa kasama ang Ingles at Español.

11. Ang lehislatura ay binubuo ng mababang kapulungan o kapulungan ng mga kinatawan at mataas na kapulungan na may 24 na senador.

12. Si Carmen Planas ang unang babaeng nahalal sa Mababang Kapulungan.

13. Ang layunin ng Pamahalaang Komonwelt ay sanayin ang mga Pilipino sa sariling pamamahala, gawing matatag ang sistemang pampolitika at mapaunlad ang kabuhayan ng bansa bago ito maging isang ganap na malayang bansa.

14. Ang Tanggulang Pambansa ay binubuo ng hukbong panlupa, pandagat at panghimpapawid bilang bahagi ng Sandatahang Lakas

15. Inaasahang tatagal ng labing limang taon ang Malasariling Pamahalaang hanggang sa tuluyang ipagkaloob ng Amerika ang kalayaan ng bansa.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.